Mali ba?
Ngayon lang ako natreat ng ganito na hindi ko kailangan mag beg or magtaas ng pride kasi sya na mismo nagsosorry and nagawa ng mga bagay-bagay without me asking. Kaya nga nilegal ko yung panliligaw kasi iba sya sa lahat. Months na din since nag start kami mag usap and wala talagang naging problem aside sa mga maliliit na bagay na pinupuna and kinaiinisan ko. I'm so thankful to have him.
Nabibigay nya naman yung full attention and time nya pero hindi ko maiwasan maging uncomfy kapag nalalaman kong pag 'di kami magkausap pag may ginagawa ako kasama nya sila. Wala lang naman sakin at first kaso after ko mag vacation for 2 weeks hindi naging stable paguusap namin kasi 'di naman ako lagi naka phone and tuwing before mag sleep lang ako kami nakakapag usap. Then ayon, naging bukambibig nya na gusto ko malaman ano nangyari sa araw nya pero about sakanila lagi yung kwento. Natrigger yung trauma ko sa past na mas inuuna yung tropa kesa sakin and hinayaan ko lang dati hanggang sa mapagod ako. Natakot ako na baka maulit. Sobrang bigat sa pakiramdam.
I told him about this before na ayoko maging greedy na sakin lang dapat lagi yun atensyon nya kasi ang toxic non pero ayon nafefeel ko. Sinabi nya naman na okay lang sakanya na lalayo sya sakanila pero sabi ko na ako nalang. Then ayon nawala nalang din sa isip namin yung issue na yon kasi naging okay na ulit. Pero last night, nakita ko na nag aya sya don sa kinaseselosan kong guy friend nya nung time na hindi ako nagreply kasi may misunderstanding. I said fuck it and asked him sino pipiliin nya between me and his friends (close nya na blockmates namin).
Hindi ko na alam talaga ano ang dapat mafeel kasi dito lang kami nagka problem. Masaya kami eh. But tbh kahit mahal ko yon, kaya ko syang i-let go if hindi man sya makapili. Masyado lang akong magiging toxic kung magsstay ako kasi hindi naman mawawala sa isip ko 'to and ending puro away. Gusto ko nalang mapag isa, atleast this way makukuha namin parehas yung peace. Idk na I need some insights. Finals na namin next week sobrang need ko na maclear yung head ko.
Posted Jan 4, 2023, 6:07 PM UTC