nanghihinayang
Hi! Freshie from COS and gusto ko lang magrant kasi ayoko naman sabihin to sa friends ko. I am from a middle class family, both my parents are government employees. We get by pretty good naman kasi my father has a (kinda) high position pero not too high na shet afford na namin lahat. I’m not to sure pa rin sa financial standing namin kasi my parents are very secretive about this basta alam ko lang yung work nila.
anw, I started calculating yung mga binayad nila sa sa pagpapaaral sakin and around 27k+ monthly if iddivide ko per month yung tuition+baon+dorm fees.
Iniisip ko lang na grabe sobrang bigat nun tignan… mas lalo akong nanghihinayang kasi hindi rin naman ako matalino (what if bumagsak pa ako diba). Naaawa ako sa mama ko kasi after college medyo mahirap din kumuha ng trabaho na bachelor’s degree lang in bio meron ako. Plano ko magmed pero mas lalong nakakapanghinayang yung gastos.
What to doooo aaaa should I just transfer sa state u? My parents reassure me naman na they can afford it pero ayoko maging pabigat lalo na at di naman ako nagpperform nang sobrang bongga academically. I just feel bad na ang dami nila ginastos tapos only way of payback ko na nga lang is good grades di ko pa magawa. I try my best naman, I’ve been studying nonstop simula nung pasukan but grabeee sometimes siguro my best is not enough :((( I’m fine with the workload here sa ust kahit marami kayang kaya pero nakakapanghinayang lang talaga grades ko and yung gastos. Kung matalino lang sana ako edi najustify pa yung bayad
Posted Sep 23, 2023, 3:57 AM UTC