Pabigat sa acads
I’m a freshman nursing student, I know what I’m capable of, my potential and all. Alam ko ring masipag ako, hindi pabaya at higit sa lahat ginagawa ko agad lahat ng activities, assignments and paperworks ko.
I am an efficient and hard-working student, simula bata pa lang grade conscious na ako and lahat ng circle of friends ko honor students just like me. I never noticed na mapili pala ako sa kaibigan, akala ko kasi sadyang matatalino at masisipag lang mga nagiging barkada ko not until I went to college.
Now that I’m a college student, ang dami kong nakilalang iba’t ibang uri ng tao. Fast forward, nasanay akong matatalino at masisipag na estudyante or tropa ang nakapaligid sakin but now, halos lahat ng tao sa paligid ko ang tatamad.
Ganto na ba talaga sa college? Halos lahat ng kaklase ko ang tatamad, yung mga groupmates ko ang babagal kumilos gustong gustong nagc-cram. Pag may activity gagawin last minute minsan makakalimutan pa sasabihin “sorry” tapos late na magpapasa.
And even my current circle of friends, hilig din mag procrastinate. Nakaka stress talaga. Lagi nalang ako mag i-initiate sa lahat ng tasks, pag hindi ako kikilos hindi nila iintindihin. Nakakapagod talaga. One time hindi pinigilan ko sarili ko mag initiate kasi iniisip ko baka nagagalit na sila sakin, then nung araw na may performance na kasi, dun lang nila nalaman at dun lang gumawa ng steps, ang nakakainis pa kahit gipit na gipit na kami sa oras yung iba late pa dadating kahit nasa dorm lang naman near school.
Minsan gusto ko nalang lumipat ng group kaso baka kung ano isipin nila. Alam ko naman na may kanya kanya tayong pinagkakaabalahan pero ang sakin lang is respeto naman sa time ng bawat isa. I’m doing everything I can para matapos lahat ng groupings, halos ako na nga lang gumagawa ng lahat, script, ppts and all, ang kailangan ko lang is cooperation. Kung pwede nga lang mag individual edi sana tapos ko na lahat.
Hindi ko lang ma gets kung bakit nakakapag bar, gimmick, hangout pa kayo eh andami natin pending. Again, I respect time, sana kayo rin.
Is it wrong to complain? May mali ba ko? I know I’m always pressured pag may binigay na task and napepressure ko rin members ko minsan but I just want it done right away kasi ayoko talaga ng pinapatagal yung bagay na kaya naman tapusin agad.
May deadline kami ng essay, script and pubmat sa Saturday, meron din kaming reporting and final performance that day. Pero until now di pa rin tapos yang essay, script, pubmat, ppt pati steps sa final performance wala pa rin. NAKAKAURAT NA TALAGA
Posted Nov 1, 2023, 4:02 PM UTC