Parents who wish "karma" for their child
idk if this is the right sub pero napupuno na ako para sa boyfriend ko. my bf decided to cut ties with his narcissistic mom earlier this year.
ngayon sobrang bigat sa loob ko mabasa lahat ng shtposts nya about my boyfriend sa facebook pati mga kaibigan nyang todo agree sa comment section.
"Ang mga anak na walang respeto sa magulang ay walang kinabukasan"
"Kahit anong sikap mo kung wala kang pagmamahal sa magulang mo hindi ka aasenso"
Sa lahat ng verbal, emotional at mental abuse na ginawa nya sa boyfriend ko isang beses lang sya pumalag and he exited out of their life QUIETLY in an attempt to preserve whatever was left out of their relationship. Sirang sira na mental health ng boyfriend ko sa kanilang lahat. Pati ako apektado. Parang gusto ko awayin lahat. i restricted and unfollowed her on all my soc meds pero may mga nakakarating pa rin sakin.
Ano kayang satisfaction kapag pinapahiya mo ang anak mo in public ano? Or kapag nilait sa comment section yung anak mo ng mga "kaibigan" mo? Satisfying ba? Ano kaya nasa puso mga magulang na hinihiling bumagsak ang mga anak just to prove their point?!
Posted Nov 1, 2023, 4:08 PM UTC