ABYG kung hindi ako nagbigay ng 2k sa nanay ko pambayad ng kuryente?
for context:
Simula nung nagwork ako nagbibigay na ko sa nanay ko.
Pero recently napagod ako. Nagresign ako. Jobless ako for 5 months. Umabot sa point na yung dalawang unit na inuupahan namin e binitawan namin yung isa. Nalaman ko na tinataya ng nanay ko sa online games yung binibigay ko at hindi naman talaga niya binabayad.
Last week, pinapalayas nila ako out of nowhere. Pabigat na daw kasi ako. Sumama loob ko as in.
Ngayong kakastart ko lang ulit sa work, plano ko mag move out sa January. Kaya nag-iipon ako pang downpayment ko.
At hindi yun nagets ng nanay ko. Pinepressure niya ko magbigay knowing last week pinapalayas nila ako.
I feel bad lang kasi sa situation ko. Feeling ko ang sama sama kong tao.
Posted Dec 7, 2023, 3:32 AM UTC
1111