Hindi ko na maintindihan sarili ko
Graduate ako with latin honor 7 months ago. 4 months after ko maggrad nakatengga lng ako sa bahay, kasi hindi ko tlga alam sa sarili ko kung i-pursue ko ba na work is align sa course ko or hindi. Kasi na pagtanto ko na hindi ko pla gusto yung course ko (kahit nung shs ako hindi ko alam plano ko sa buhay). Kaya sa ilang months na yun na feel ko na yung pressure sa sarili ko kasi yung iba kong classmate sa college may mga work na, and feel ko rin parang pinapamukha na sa akin ng mother ko na need ko na magkawork. Pero hindi nman nya sinasabi mismo parang nagffeel ko lng tlga. Kaya nung oct. nagtry ako magapply sa pinagwwork ng classmate ko and natanggap nman ako kahit ang baba lng ng per day kasi allowance lng tlga sya and need ko rin experience. Tumagal nman ako ng 2 months kaso nagresign din ako kasi ngayong january hindi na ako magkakaallowance gawa na need ko ng quota bago maapprove allowance ko sa cutoff. Aside pa dun kaya ako nagresign. May na feel na nman ako mali sa sarili ko, like nagooverthink ako na hindi para sa akin yung work, hindi ko tlga alam kung ano ba yung para sa akin and ano ba purpose ko? Kaya after ko magresign naghanap ako work sa indeed and may nagemail sa akin for pre-employment exam and hanggang ngayon wala na update after maka 2 exams ako. Kaya habang nagwwait ako sa update naghahanap ulit ako and sa dami na pinagapplyan ko na papanghinaan ulit ako ng loob.
Posted Jan 15, 2024, 4:10 PM UTC