kapitbahay na feeling kasama sa monthly budget hahaha

Nakakakuha sila ng opportunity para itake advantage ung vulnerability ng isang tao puta.

Nagpasama ako sa kapitbahay namin kanina na mag grocery sa puregold para ipagdrive ako gamit sasakyan namin, kasi puyat ako at baka maaksidente lang pag pinilit ko mag drive. Tapos itong si kapitbahay na mapanamantala, habang nagalalagay ako sa cart ng mga necessities sa bahay, sya dumampot ng listerine na malaki, abonne, cream silk na naka bottle at hotdog kesyo pasabay daw at ibabalik nya daw 'mamaya'. Alam ko ganung karakas nya kahit nung nabubuhay pa si mama ginaganon nya din, ending di nya binabayaran. Para pala sa asawa nya yung mga dinampot nya, so pagdating sa counter hiniwalay ko yung kanya at sinabi ko na sakto lang budget ko para sa necessities sa bahay. Sabi nya babayaran nya nalang daw pag uwi pero i know na wala syang capability bayaran yon so nag NO ako, no choice sya kundi itabi mga dinampot nya.

Pero in fairness ang sarap pala sa pakiramdam mag NO.

Nakakatangina lang, alam naman kakamatay lang ni mama. May utang akong binabayaran monthly at consistent yon kaya di pwede masira budget ko hanggang di ako fully paid. Naalala ko pa pala may utang pa sya na 2k kay mama at nakamatayan nalang, di na siningil ni mama noon kasi tulong nalang daw at maraming anak. Binayaran ko naman sya ng 350 pagkauwi namin kasi malapit lang puregold samin kung tutuusin walking distance at wala pa kami 2 hours na nasa labas.

Posted Jun 13, 2024, 10:39 AM UTC

10
Loading comments…