Unauthorized Maya Credit Transactions
Last June 07, nagising na lang ako sa mga texts ng Maya na nagbibigay ng OTPs (5am yung mga texts). Binalewala ko na lang kasi wala din naman akong pagbibigyan nito sa isip-isip ko kaya hinayaan ko na lang pero nireport ko pa rin thru Maya Support. Then today (June 24), nagbbrowse lang ako sa Maya account ko, laking gulat ko na bawas na ang Maya Credit ko and sinagad na sya.
Ang ipinagtataka ko lang ay papaano nangyari yung ganito since wala naman akong pinagbibigyan ng OTPs and hindi naman ako nag eentertain ng mga scam texts/calls. And diba kung Maya Credit, dapat ay dadaan muna sa Maya Wallet pero based naman sa transaction history ng Maya Wallet ko ay walang nangyari nung June 07.
"Under Review" pa rin yung case ko na ito sa Maya Support, kaya nagfile na lang din ako ng complaint sa BSP. Nagsend na din ako ng dispute form sa Maya. Tinanggal ko na rin muna lahat ng pera ko sa Maya (Wallet and Savings). Then nagbasa-basa ako sa internet and ang dami na palang case na ganito pero sabi nila ay unresolved pa rin yung case hanggang ngayon.
Possible pa kaya masolve ang case na ito :(( And paano iyon kapag nag due, babayaran ko ba dapat yung hindi ko naman kinuha? Nakakainis naman kasi ang bagal din ng Maya Support and hanggang ngayon walang update sa case ko 😭
Posted Jun 24, 2024, 8:13 AM UTC