[UPLB] Hindi ako makatulog dahil sa chem 18

Rant / Share Feelings

Hi po super messy rant lang po kasi feel ko nababaliw na ko sa kakahintay hahaha

So hindi po nagbigay ng pre-final standing ang prof namin, sabi nya bago magfinals malalaman namin tapos hindi na namin sya nakita ulit, walang reply sa emails or messages namin sa gclass, pero buong sem ganun naman talaga sya. Literal first exam palang ang score na alam namin, ang mga ibang LE, short quiz, at finals wala kaming alam kung ano score namin.

Buong bakasyon ko pinagiisipan yung grade ko, to the point na nagkakanightmares na ko HAHAHA parang walang tigil yung utak ko at hindi ako makapag focus sa ibang bagay kasi napaka important ng subject na yun sa degprog ko. I tried my best talaga pero parang kahit gaano katagal ako magreview palaging nagkukulang pagdating sa exam.

Ala lang po, super frustrating lang po kasi napaka lapit ng deadline ng grades sa isat Isa at ng date ng removal exam sa chem, like the next day after the deadline exam na kaagad, paano naman kung kailangan nga magremovals exam eh kukuha pa ng removal permit hahaha. I'm trying to study right now po just in case na maka 4.00 ako pero napaka hirap kasi hindi naman ako sure sa standing ko.

Ayun lang po, naghihintay nalang talaga (⁠●⁠´⁠⌓⁠`⁠●⁠)

Posted Jan 4, 2025, 9:12 PM UTC

61
Loading comments…