Para lang din akong walang asawa
I just want to get this off my chest. We got married last year. We've been together for 4 years, he proposed in May, and we got married in December. He's a good man po. He cooks for us, prepares may baon and minsan hinahatid ako sa work. I used to live alone and was independent after graduating from college. After we got married, he moved into my place. Pero parang bakit feeling ko para lang din ako walang asawa or kasama sa buhay. Hindi ko sya maramdaman. Parang wala akong kasama sa bahay, pag uwi nya galing work cellphone lang agad, bago matulog cellphone ni hindi manlang ako mayakap tsaka ma kiss bago matulog. Pag gising wala manlang morning hug, cellphone na din agad. Nanonood lang nman sya ng mga videos sa social media. Ako lang lagi yumayakap sa kanya at nag initiate ng kiss. Nung first month namin, sinabihan ko na sya about dito sa nararamdaman at napapansin ko. Pero until now wala parin improvement. Mabigat lagi yung loob kasi pakiramdam ko kulang ako sa physical intimacy? Naiisip ko tuloy sana may divorce na sa Pilipinas. Hindi ko alam kung valid ba tong nararamdaman ko.
Posted Feb 21, 2025, 1:52 AM UTC