Nag-condolence ako sa workmate ko kasi akala ko patay na mama niya

Lupa, kainin mo na ako.

So itong officemate ko, itinakbo raw sa ospital mama niya. Dito rin sa ospital kung saan kami nagwowork (accounting dept kami).

Pumunta pinsan niya sa amin at umiyak sabi niya patay na raw yung pasyente nila. Nagulantang naman kami. So noong may ipapasa akong papel sa billing department, kailangan ko rin dumaan sa tabi ng ICU na katabi ng office namin. Andun yung officemate ko at todo iyak naman siya. Sabi ko naman "Condolence po, ma'am". Tapos sabi niya "Ay hindi, andiyan pa. Nirerevive pa ni doc."

Sobrang nahiya ako at nagsorry huhuhu. Wala akong mukhang ihaharap.

Posted Feb 21, 2025, 7:27 AM UTC

26340

Comments aren't archived yet

This post had 40 comments on Reddit. Comments for this period haven't been loaded into the archive yet.