ABYG kung di ko na kinakausap nanay ko?

Family

ABYG? For context, nanay ko member ng cvlt church. Simula nung napunta sya doon, napabayaan na work at kaming pamilya nya. Yung tipong even sa birthday, mother's day, father's day kainan sa fastfood/buffet na in-arrange ko di na-attend, kasi nagfe-fellowship sya.

Fast forward, simula sya mag-absent absent sa work after 3 yrs, ayun tuluyan na syang nag-resign sa work at nag focus sa fellowship kuno, 24/7 preach online. Then, nag-ampon nga din pala sya, yung ampon nya na yun pinalayas ng pamilya dahil napabayaan ang pag aaral dahil sa fellowship din, kinupkop ng nanay ko. Wala naman syang work, nag ampon pa. Ayun, nakatira sa bahay naman nagpapaligaw pa ang kupal sa bahay (ka-member din nila).

Ngayon, hirap na hirap tatay ko. Utang ng nanay ko, sa kanya pinasa ng employer, btw same employer sila 30 yrs na sila doon. Di sapat para sa bills at pagkain. Married at nakabukod na ko kaya wala rin ako maabot minsan, at di talaga ko muna nag aabot dahil ginagamit nya tatay ko para manghingi sakin. Pero, under sila ng HMO ko para pag nagkasakit, maayos na hospital ko sila madadala. Also, tatay ko pala stroke survivor, pero pinipilit nyang pumasok. Mabait naman boss nila, wala na syang ginagawa sa work, pinapapasok lang para till retirement nya (58 na sya).

December, may bonus tatay ko. Binigyan nya pala nanay ko. Ayun, nanay ko naubos nya sa kakapakain dun sa mga kasama nya sa fellowship. Sinabihan ko tatay ko wag bigyan, kasi sa ibang tao ginagastos.

Ito nga, january before bday ko, nanghihiram nanay ko ng pangbayad ng kuryente at pangkain. Nireplyan ko sya na, walang pera pero nag-resign ka? Nag ampon ka pa, nagpapatulog ka ng ibang tao sa bahay? Then blinocked ko sya. Then chinat ko tatay ko na, paalisin na ampon doon dahil dagdag gastos lang yun at di naman kilala sino yun baka ano pang gawin sa kanila. Also, mas alaga pa ng nanay ko ampon kaysa sa brother kong teenager. Naawa lang ako sa kapatid ko, binibigyan ko naman sya ng baon pero syempre iba pa rin nararamdaman nya pag nakikita nya na ibang tao inuuna ng nanay ko.

After that, in-unblock ko nanay ko, restricted na lang. Noong bday ko, di nila ko binati, kasi nga di ko sila pinahiram. Pero that time, wala din talaga kong pera. Kinabukasan, after ng bday ko, nag chat nanay ko na wala daw akong utang na loob, nangingialam pa daw ako sa ampon eme wala naman daw akong pakinabang, sinumbat na nya lahat simula bata ako.

After that, never ko na sya kinausap uli.

Posted Mar 8, 2025, 12:48 PM UTC · locked

52
Loading comments…