Subject teacher na namamahiya

May isang Steachear ako na namamahiya sa klase lagi niya kaming pinapagalitan purket may narinig lang siya na hindi naman dapat ikagalit halimbawa nalang yung nangyare kahapon may pinapagawa siyang peta namin nagpakita siya ng example then may narinig siyang nagsabi ng "yan lang" nagalit siya tuloy-tuloy na yung galit niya hanggang umabot sa point na may sinabi siya na may nakakuha raw na perfect score samin sa quiz which is ako yung nakakuha ng perfect score sa quiz kasi sinabi sakin ng taga kabilang section (Sila ang nag check), sabi niya "Malaman ko lang nanghihingi ng answer o question sa kabilang section yung nakaperfect, makikita niyo" (yung kabilang section po kasi sila po yung naunang mag quiz kesa samin panghapon po namin siya. Nakikita kasi ng teacher na yan na magkasama kami lagi nung kaibigan ko which is taga kabilang section) Ang sakit lang po sa part ko, Bakit wala po siyang tiwala sakin? bakit po kailangan magsabi pa po siya ng ganon? so pag nalaman ng mga kaklase ko na ako yung perfect edi mapapahiya ako, sa totoo lang po alam na po nila. Aaminin ko po minsan nagtatanong lang ako sa kaibigan ko(kabilang section) ano po yung quiz nila para po malaman ko ano yung re-reviewhin ko minsan po kasi magbibigay po siya ng maraming reviewer para sa quiz pero wala naman po pala sa question, nagtanong lang po ako ano yung mga question tapos re-reviewhin ko. Hindi po ako nag checheat. Nata-trauma na po ako sa teacher na yun lagi po akong pinag-iinitan hindi niya kasi nakikita gaano ako mag review para lang makakuha ng mataas na score pero minsan po hindi naman po ako nakakakuha ng mataas pag nag review lang po talaga ako. Ang tanong ko lang po, bakit pag yung favorite niyang student nakakuha ng perfect pwede? pero pag ako bawal? eh mas malala nga yung favorite student niya e di nakaka-intindi sa kanya tapos pag ako nakakuha cheater?

Siya rin po dahilan bakit nung 2nd quarter nawalan ako ng gana sa pag-aaral at tuwing may quiz hindi na po ako nag rereview kasi pinahiya niya ako non. May quiz po kasi kami non so nag sasagot pa ako tapos nung nakita niya ako nag sasagot sinabi niya na po ng checking pero nung favorite student niya ang nag sabi ng "wait lang ma'am" hinintay niya pero nung sinabi ko yun wala raw siyang pake? pinahiya niya pa ako non sabi niya "Ikaw pa naman highest ko nung 1st quarter" Hindi naman po ako nag che-cheat non nagsasagot ako non sinabi ko lang na saglit lang kasi nag sasagot pa ako.

Sobrang trauma ko sa teacher na yan, teacher ko pa rin siya ngayon dahil sa kanya ayoko na pumasok.

Posted Mar 8, 2025, 12:55 PM UTC

45
Loading comments…