Lagi akong binabara ng workmate ko
I’m working in a medical setting, most of the time toxic ang work. Then, meron akong workmate na may toxic attitude wherein always niya akong binabara at pinupuna sa work kahit wala naman akong ginagawa. Simula nung nag-umpisa ako magwork, lagi niya akong inaasar at yung mga jokes niya na below the belt na yung mga tapon niya na salita like “ang bobo naman”, “bitch ka”, “patayin kaya kita”, “ay ang panget”. Bilang isang tahimik at mahabang pasensiya na type of person, itatawa ko nalang odi kaya lalayo nalang ako sakaniya para hindi na muli ako makarinig ng mga ganon na salita. Fyi lang, hindi kami close and hindi ko rin po siya senior staff, pero kung utusan niya ako at mag demand siya parang akala mo siya yung nagpapasweldo sa akin. May times na uuwi ako from work, iniiyak ko nalang yung mga narinig ko mula sakaniya. Hindi ko alam kung sensitive lang ba ako masiyado kaya ako nasasaktan or valid naman yung na-fefeel ko kasi iba na yung treatment sa akin as co-worker niya.
Posted Mar 9, 2025, 1:43 PM UTC · locked