pagod na pagod na ko. idk what to do
Hi, I really need advice. Di ko na talaga alam gagawin ko.
Gusto ko na makipaghiwalay sa girlfriend ko. We’re wlw and living together, pero sobrang hirap na. I’ve tried to break up with her before, pero admittedly medyo mababaw yung reasons ko noon. This time, though, may nalaman ako.
Una, nabasa ko convo niya with her friend. Matagal na to, nung Nov pa pero nito ko lang nabasa. Sinabi niya dun na paano daw niya masosolve yung problema niya kung ako mismo yung problem. Ako pala yung problema pero di niya sinasabi sakin ng diretso. If may problem naman ako or sa relationship namin sinasabi ko sa kaniya, vocal ako at hindi ko na pinapatagal pa. Saka imagine yung gulat ko nong nabasa ko yan kasi sinabi niya sakin dati na ayaw niyang sinishare yung prob namin sa iba tas siya pala tong gumagawa behind my back.
Tapos, nakita ko rin sa convo nila na namimiss daw niya yung prof niya (friend niya raw), at inoooverthink pa niya bakit daw ang tagal mag-reply. Yung friend niya pa mismo nagsabi na micro-cheating na yun, pero ang sagot niya lang is, “Paano?!??” Napansin ko na rin before na sobrang close nila, tipong personal stuff alam nila about each other, pero now ko lang talaga na confirm. Idk lang talaga since nakita ko rin convo nila ng prof niya and may sinabi siya sa prof niya na never naman niya nasabi sakin, sobrang caring niya naman as a student kung ganon 😃
May convo rin siya with her ex mu. Yung old convo nila di niya dinelete. Nung nag-backread ako, nakita ko na after four days ng pagiging official namin nung January, nagkausap sila. Doon pa mismo sa convo, parang nagkaaminan sila na kung stable daw girlfriend ko noon at walang personal issues, magta-take risk yung ex niya para sa kanya. Marami rin sila napag usapan, hindi lang yung ganiyan.
Sinubukan ko makipag-break dahil sa lahat ng to. Pero sobrang childish ng response niya, hindi niya ako kinakausap unless mapikon na ako. Kapag nainis na ako saka lang siya lalapit. Ayaw niya talagang pumayag kahit sinabi ko nang alam ko na lahat.
Umiyak pa siya at pinakita pa sa akin na may balak siyang mag sh. Ako pa tuloy yung na-guilty kahit siya yung may ginawang mali. Kahit anong pakiusap ko na tama na, ayaw niya. Sabi niya gusto niya pa rin daw ayusin kahit galit ako sa kanya.
Pagod na pagod na ako emotionally. Paano ba ako makakabitaw nang hindi ko kailangang dalhin lahat ng guilt?
Posted Mar 12, 2025, 8:05 PM UTC