Kelan mauubos ang Karen? Char
Yung ebike driver ng pamangkin ko, magiisang linggo nang hindi makapag-trabaho dahil sa KAREN na pasahero. Pinuntahan namin yung bahay nya to ask if magmamaneho ba sya kasi wala masakyan pamangkin ko, pero yun nga hindi daw muna at sama nalang muna sya sa construction. Kwento sakin ni kuya, may lumapit daw sa kanyang 2 pasahero last wk. Inask sya magkano pamsahe papunta dun sa destination nila, sabi ni kuya 25 isa na lang daw. Pag tricycle kasi 65 ang special trip (eh katabi lang ng pila ng mga ebike yung termjnal ng tric)
Tumawad daw yung isa, sabi ₱35 na lang silang dalawa kasi buti nga raw sa kanya sila sumakay imbes na mag-tricycle na dapat ₱12 lang. Ang regular fare kasi sa tricycle ay ₱12 kada isa (ibig sabibin, pupunuin ang tric, 3 sa loob, 2 sa labas). Ang reklamo nila sa kanya, bakit daw mas mahal pa sya kesa tricycle?
Sa isip daw ni kuya, kahit gusto niyang ibaba ang fare, hindi rin naman sila kasya sa regular trip ng tric kasi si ate malaki, so siya lang talaga ang kasya sa loob ng tric, kaya siguro gusto nila mag-ebike. (No offense sa mga plus-size ha)
Hindi pumayag si kuya sa tawad kasi malayo destjnation (5km), tanghaling tapat pa and maliit lang din naman kasi talaga ang kita niya. Pero binaba niya daw sa ₱20 kada isa yung fare kaso ayaw pa rin nila, kaya sabi na lang nya na sakay na lang daw sila sa tricycle,
Umalis daw yung dalawang pasahero. Kinabukasan, habang nasa pila sya may mga baranggay tanod na pumunta sa kanya kasama yung dalawang babae and pamilya nila. Pinapa-tigil sya sa pagmamaneho kasi namimili daw ng pasahero, porket mataba daw ayaw na pasakayin, which is hindi naman ganun yung nangyari. Hindi lang pumayag si kuya sa fare na gusto nila. Minura pa daw sya nung tatay. Vinivideohan pa daw sya and sinasabi na nangdi-discriminate sya.
Dumating daw yung may-ari ng ebike na pinapasada nya and pina-stop na sya sa pagmamaneho dahil ayaw ng gulo, so ngayon walang trabaho si kuya. Walang mapakain sa 3 anak nya. Kakapiranggot na kita na nga lang sa pageebike. MGA KAREN TALAGA 😤
Kilala ko si kuya, kilala sya samin na hindi sya ganung tao. Minsan nga kapag nakakasalubong nya kami, sinasakay nya na kami and hindi na tinatanggap yung bayad namin. Wala rin sa ugali nga na mang-discriminate ng tao. 6 yrs na rin na sya ang kinukuha naming sidecar driver ng mga estudyante sa bahay namin. Kahit nga konti lang pamasahero nya madalas, nagagawa nya pa bumili araw araw ng ihaw para ipakain sa mga stray dog sa lugar namin eh. Yes nakikita namin sya nagpapakain.
Nanggigigil ako. Mawala na sana lahat ng KAREN please. Gusto ko manakit.
Posted Mar 12, 2025, 8:08 PM UTC