Ganito ba talaga?

NEW RIDE OWNERS

Bumibisita ako sa pamilya ko sa Caloocan at since walang garahe ang pamilya ko, tuwing sabado or lingo na umuuwi ako, sa kalsada ako pumaparada. Nakatira na kasi ako at ang asawa ko sa Laguna. Umuwi ako ngayong sabado at pumarada sa gilid ng bahay namin dahil bakante naman. Ngayon, gusto nila akong paalisin sa pinaradahan ko dahil dun daw sila laging gumagarahe.

  1. May napagkasunduan na raw ang mga residente ng street namin at ng barangay na may designated garahe or slot daw ang mga tao dun. Kung sino raw ang matagal ng pumaparada sa isang slot or lugar ay sa kanila na yun. Sa pagkakaalam ko, ang kalsada ang public space, at kahit sino, bawal pumarado sa kalsada pwera na lang kung may one side na ordinance. Tama po ba?
  2. May rules daw ang barangay. Sa pagkakaalam ko, bawal naman magbigay ng rules or kahit ano pa man ang barangay diyan. Tama po ba?

Ginawa na nilang garahe yung “slot” kuno nila na yun. Gusto ko sanang malaman ano ang dapat gawin kung sakaling magharap kami sa brgy. Bagong owner lang ng sasakyan at natututo pa lang sa mga bagay-bagay (may garahe kami sa Laguna). Salamat.

Posted Mar 16, 2025, 1:13 AM UTC

11
Loading comments…