Lionesse skin care brand SCAMMERS
This happened today at 10am sa Araneta Gateway Cubao. Kakagaling lang namin sa church and kakatapos lang din magcoffee. We decided na magpunta sa breadtalk para bumili ng tinapay. Then napadaan kami dito sa Lionesse kiosk. Yung saleslady nasa labas and bigla nalang sya nagpahid ng cream sa kamay ng mother ko. May mother got caught offguard and napatigil sya. Eto na ung time na nag explain na si saleslady kung ano ung product na yun. So "gamot" daw yun and hindi skincare tapos once a week lang sya gagamitin bla bla bla. Tapos hinila na nya kami sa kiosk nila.
Inask ko how much and sinabi nya na 8k. Mygod, napalunok nalang ako sa price kase sobrang liit naman ng packaging tapos 8k sya. Oo bougie ung box and all pero ang liit ng bottle. So skeptical na ko kung mag go go pa pero nakita ko sa mom ko na she was interested.
Tapos eto na dumating na ung "manager" nya. Nung nakita nya na di ako interested, biglang ang dami nyang "voucher" na inoffer pag binili namin ung cream. Pero ayaw ko padin. Dun na nya bigla akong binigyan ng 30% discount daw so parang naging 5500 nalang ung cream and then may free facial daw na na noninvasive para saming tatlo (kasama ko din bf ko). Twice daw ung facial. Ung isa bahala na daw kami kung kelan. So napa yes na ung mom ko kase sinabi nya na hati nalang kami sa payment. sobrang aggresive na nila here with selling up to the point na sinabi na nila na icredit card ko nalang daw
So dinala nya na kami sa second floor kase may clinic daw sila dun. Ang keme ni ate girl is dun din nagpupunta sila ellen adarna and cesar montano. Idk kung true pero pagtaas namin, ung mga "aesthetician" dun, nakasalampak lang sa sahig. Sobrang laki ng expectation ko kase sabi nya level daw ng aivee and belo ung clinic before kami tumaas pero pagdating namin dun, ang chaka nung clinic huhu sorry. Pagkapasok namin, pinagbayad nya agad ako. So syempre gusto naman ng mom ko so go lang.
Yung mismong treament room ang daming tsinelas sa ilalim ng higaan tapos parang spa na chipipay lang. Pero go lang kase nga "free" naman. And then nagstart na ung treatment. Nagulat nalang din ako na ung saleslady eh sya din pala magfefacial sa mom ko hahaha multitasker si ate. Yun pala kase, para double ang power nila mangbudol hahaha. Tapos eto na, ung manager nila nagkwento na may boss daw sila na kumukuha ng patient for their "project" tapos pag nakuha daw, ipopost sa new clinics nila for testimonial. Di nga lang daw nya sure kung makukuha kami.
Tapos bigla dumating tong Pinaka"boss" daw nila. Pagpasok sa room, sinabi na gusto nya daw kuhanin ung mom ko for his project pero discounted ang price. we thought na libre sya pero magbabayad pala kami 149k for the membership pero samin na daw tatlo un. Yun na ang discount nya samin tapos ang daming freebies na bigla nalang pinasok sa room na para kaming nasa gameshow hahahaha
So syempre di naman ako magbabayad ng ganun kalaki. punta nalang ako aivee clinic or belo kung ganun. Nung medyo nafeel nya na na tumatanggi ako, naging pushy na sila na gamitin ko daw CC ko tapos umabot na sa point na umutang daw ako sa Gloan or Gcredit hahahaha tapos lalabas bigla ung manager, kakausapin daw nya si "boss" tapos pagbalik biglang may discount na. Umabot na sa point na 24 months to pay tapos naging 100k plus nalang sya. Mabubudol ka talaga kung uto ka kase ang daming freebies and free na din daw ung noninvasive na equipment keme nila. Napansin na nung mother ko na naiinis nako kase ang tagal na namin dun so nagdahilan nalang sya na may paggagastuasan kami next week ng pera and di namin afford now. Yun lang ung time na tumigil na sila.
Bigla nalang kinuha nung manager ung freebies tapos nilipat sa room and then dedma na samin. Pagbaba namin, nagusap agad kami ng bf ko and narealize namin na budol nga. They were so pushy pero ang galing ng salestalk nila. Madadala k talaga. Mukhang target nila is matatanda kse paglabas namin ng treatment room, ang daming senior dun sa labas huhu
Kaya ingat ingat guys, in this economy sobrang laking bagay na ng pera na yun. Wag basta papabudol sa mga oportunista. Karma nalang sa kanila yun!
Posted Mar 16, 2025, 9:01 AM UTC