pagod na ako sa relationship namin it feels one sided..
Problem/Goal: Been with my gf for almost a year and napapagod na ako kasi pakiramdam ko ako lang nagbibigay ng effort. I'm m(20) and she's f(21). What do you think is the reason behind this? Is this a red flag? Mainly gusto ko lang talaga malaman kung ako lang ba nag-ooverthink or tama yung nararamdaman ko.
Context: Every time may misunderstanding kami, ako lagi yung nag-aadjust. Tapos pag nag-explain ako ng mahabang paragraph kung paano sana mas maganda i-handle yung situation, ang reply lang niya is "sorry" or "sige" ganun. Sobrang iksi. Di naman ako nanghihingi ng essay pero para kasing wala siyang pake?
Sinabi ko na to sakanya before. Sinabi ko na parang ang unfair na pag may problema, ako yung laging may lengthy explanation tapos siya one-word reply lang. Ang sabi niya sorry daw if ganun siya mag-reply at di raw talaga siya masalita. Tinanggap ko nalang.
Tapos yung isa pa, bigla bigla nalang siyang magiging cold sakin. Kapag tinatanong ko bakit, ang sagot lang niya is "wala lang, wala lang ako mood ngayon" or "pagod lang ako." And i always try to be there and understand here despite her reason.
Recently, pumunta kami sa 3-day trip sa Sagada. Excited pa ako kasi first trip namin together. Pero the whole 3 days, parang inaaway away niya ako. Binubully ako. Like puro side-eye, antaray. Pag sinasabi ko na nashoshock ako sa treatment niya, sinasabi niya na love language daw niya yun at ganun talaga siya magmahal? Pero the thing is wala naman siyang ganyan nung una kaming nagkakilala. Sinasabi ko nalang sa sarili ko na "sige maging good boyfriend nalang ako para sayo" pero lately hindi ko na kaya.
Hindi ko na alam kung worth it pa ba itong relationship na 'to. Sabi niya mahal na mahal niya ako, pero di ko talaga nararamdaman. Wala na akong motivation na i-continue 'to. Minsan feeling ko parang obligasyon nalang ako sa kanya.
Previous Attempts: I tried talking to her multiple times. Inaask ko kung may problema ba ako or may nagawa ba ako. Sabi niya wala naman daw. Tinanong ko rin kung bakit bigla siyang nagbago (yung bullying as love language niya). Sabi niya ganun talaga siya sa mga taong komportable siya. Pero as a boyfriend, di ko naman talaga nafefeel na loved ako. Sinasabi niya na mahal niya ako pero yung actions niya, iba eh.
Recently sinabi ko ulit na pagod na ako lagi mag-adjust at mag-intindi, and she just said "Sorry" tapos wala na. Magkakatampuhan kami for a while and i keep trying to chat her, like super dami ko ng messages telling her to reply to me and stuff, Ang gagawin niya everytime magiging cold muna siya even despite pinaguusapan na namin yung argument, she’ll reply cold and late, since ayaw ko na nag aaway kami ako nalang nagiging mapagkumbaba and im just gonna say sorry and its my fault. Tapos after nun bumalik lang ulit sa normal, like walang nangyari. Parang di niya iniintindi sinasabi ko. and why our arguments keep happening.
Ano ba dapat kong gawin? Am I overthinking things? Or may red flags ba talaga? Mahal ko pa rin siya pero napapagod na ako. Gusto ko naman maramdaman na mahal niya rin ako through her actions, hindi lang through words.
I'm supposed to give her a gift sa anniversary namin next week pero di ko na alam if kami pa baor hindi na. Sobrang pagod na ako.
Posted May 5, 2025, 2:04 AM UTC