Does ‘my’ loan/credit score affect my future?
Hi. Nagsstart na ako bumuo ng sarili kong pamilya and plano ko na kumuha ng bahay. As the title says, makakaaffect ba ang credit score sa possible interest rates na maapprove sakin if I will apply for a housing loan sa local banks?
Context: Ngayon pa lang ako magkakaroon ng credit card. Last time nagapply na ako sa BPI and unfortunately nareject ako. I have an existing loan which is my car loan patapos nanaman yung loan ko. Kaso ito yung additional issue. Naging co-maker ako(married) ng kapatid(single) ko para sa sasakyan na kukunin ng parents ko. Dati ibang bank ako, ngayong napalipat na ako ng bank nagreflect yung loan ng parents ko online banking ko. Napansin ko na hindi nababawasan kaya nagtanong ako sa kanila kung on-time nakakapagbayad sa loan, and sadly my time daw na namimiss ung payment. Since nadeny ako ng credit card sa current bank ko(same bank ng loan ng parents ko) hindi ko maiwasang maisip na baka related sa missed payments ung reason kaya nadeny ako.
So going back sa question ko, makakaapekto ba yun sa interest loans na pwedeng i-approve ni bank para sa aking future housing loan? Narerelate ko lang kasi yun sa napanood ko sa HIMYM where in malaki ung approved interest rate ni Lily since gawa ng utang nya, and I assumed dahil bagsak ang credit score nya.
Pasensya na kung medyo magulo ang kwento kasi ngayon lang ako nagpost ng medyo mahaba. Hahahaha.
Posted May 7, 2025, 2:31 PM UTC