Bakit may mga taong ganito?
Yung gagawan ka ng mali pero hindi nila maamin amin sa sarili nila yung mga pagkakamali nila tapos ikaw na ginawan ng masama, masama ang labas mo dahil pinatulan mo yung tao nung nasagad ka nila. Tapos ngayon sila magaganda ang buhay, habang ikaw nagsasuffer sa ginawa nila. Panu nila natitiis yun? Na parang wala lang sa kanila ang lahat? Minsan sila pa yung mas nagiging masaya, sila pa yung mas nangingibabaw kahit may mali sila? Tapos ikaw na masyadong nasaktan sa mga nangyari halos kalimutan ka na nila.
Posted May 7, 2025, 2:31 PM UTC
33