Ako lang ba, o natatakot pa rin kayong magpa-appointment at kumausap sa doctor kahit adult na?
26 na ako pero every time na kailangan ko magpa-check up or magpa-consult, parang bumabalik ako sa pagka-bata. Kanina lang natawa ako sa sarili ko, nagpa-appointment ako para sa eye exam, at grabe yung kaba ko habang kausap yung receptionist sa phone. Parang may mali akong sinasabi, or baka may kulang akong info.
Tapos nung mismong consultation na, awkward ko pa rin. Like, hindi ko alam kung kailan ako magsasalita, kung okay lang bang magtanong, or kung nag-ooverthink lang ako sa lahat.
Minsan parang iniisip ko, "Paano ba ‘to ginagawa ng ibang tao na parang ang confident nila kausap yung doctor?" Ako kasi parang, "Uhm doc, sorry po, hehe may tanong lang po ako…" tapos nanginginig pa boses ko minsan lalo na pag kailangan ng tests or may nararamdaman ako na hindi ko ma-explain nang maayos.
May iba rin ba dito na ganito? Or ako lang ‘to na socially awkward kahit sa doctor? Nakakatawa pero nakakahiya rin minsan. Paano niyo hina-handle yung ganitong feeling?
Posted May 7, 2025, 2:43 PM UTC