Inalagaan ko daw masyado ang sarili ko

So dahil election na at maraming naguwian samin na magkakaibigan. Yung iba galing abroad, yung iba galing sa iba ibang lugar. Nagkita kita kami. I am a person na talagang tahimik lang. Tb, nahurt ako sa mga kaibigan ko. Gusto ko sila sabihan na nagmukha sila gurang. Mid 30s na kami pero sila mukhang nasa 50 na sila, pero sinarili ko lang yun. Magsitabaan at dami na white hair. Nakakahurt lang na sinasabi nila na masyado ko inalagaan ang sarili ko at mahihirapan na ako makahanap ng tao na papantay sa kung papaano ko minahal at inalagaan ang sarili ko. At sa totoo lang, kahit maging single ako habang buhay, i dont mind kasi nga KAYA KO ALAGAAN ANG SARILI KO.

Wala lang. Nakakapotaena lang kasi, kasing baba talaga ng standards nila yung mga iboboto nila sa politics. Anyways, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Di ko na kasalanan kung nainsecure sila dahil single ako at nagagawa ko mga gusto ko sa buhay. Yun lang kaumay. Vote wisely

Posted May 11, 2025, 4:41 PM UTC

32955
Loading comments…