Please help

Ano po kaya ang pwedeng gawin namin. Ang PSDS sa aming district ay pinag iinitan kami ni schoolhead (AO here) dahil hindi namin pinagbigyan ang gusto niya na mag procure ng laptop para sa kanya using the school mooe. Hindi naman kasi kasama un sa wfp namin at to be honest ay malaki naman ang sweldo niya so afford niyang bumili. Or pwede naman niyang irequest sa Division Office.

Nung hindi namin siya pinagbigyan pinag bantaan niya kami na kami daw ang nagsimula ng gulo at hindi siya magpapatalo sa amin. Ihanda daw namin ang aming mga sarili. Pinag sabihan din kami na magpalipat nalang sa ibang district.

Natatakot kaming mag consult sa legal office dahil kabarkada niya ang legal officer. Ano pa po kaya ang ibang pwedeng gawin? Aside of course sa pag direcho na kay SDS.

Thank u.

Posted May 11, 2025, 4:44 PM UTC

89
Loading comments…