MCA bwiset na highschool

My lightest secrets

Nung high school may schoolmates ako na lagi akong inaasar, calling me names. Dati akala ko "biruan" lang yun kasi pag inaasar naman nila ako tumatawa sila kaya nakikitawa na lang din ako. Minsan kapag dadaan ako sa corridor sisigaw sila na "T*ngin* mo ***" sabay tawa kaya nakikitawa lang din ako. Minsan rin sasabihan nila ako ng panget out of nowhere.

Narealize ko lang na nasasaktan rin pala ako sa ginagawa nila sakin nung nag college na ako kasi may nakasalubong ako sakanila kasama yung mga college friends ko. Sumigaw yung guy na "Ang pangit mo hoy". All along akala ko biruan lang siya at normal pero pakiramdam ko nadala ko siya until now. May family na ako ngayon pero kapag may nakasalubong ako sa mga batchmates ko na yun kulang na lang magtago ako sa likod ng asawa ko. Pakiramdam ko nattrigger anxiety ko pag naalala ko sila, pano pa kaya pag nakakasalubong ko sila since nasa small city lang naman kami.

Posted May 11, 2025, 4:48 PM UTC

10
Loading comments…