OA lang ba ako? Or tama naman ginawa ko?
First time ko mag-post dito, and I just really need a safe space to open up about what I’m feeling. I have a friend na halos 5 years ko na rin kasama. Super close kami—tipong araw-araw kami nagvi-video call. Ramdam ko talaga before na genuine yung friendship namin. Walang insecurity, puro support, and sobrang gaan lang kasama.
Pero nagbago ang lahat simula nung nagka-boyfriend ako. Yung naging boyfriend ko, crush pala niya dati. Hindi naman sila naging sila, and bata pa kami nung time na 'yon. Pero nung naging kami ng guy na 'yon, syempre, nagshe-share ako ng mga kilig stories sa barkada namin—lalo na kasi sobrang green flag ng boyfriend ko.
By the way, pareho naman kaming may boyfriend that time—ako at siya.
Habang tumatagal, nakukwento ko na rin sa kanila (friends ko) na may kaklase kaming nagpaparamdam sa boyfriend ko. And itong si ex-best friend, todo comment siya na "grabe si girl," "wala siyang girl code," "ang OA niya," etc. Lagi ko silang kinakausap about sa mga bumabagabag sa akin, and she always seemed involved sa mga rant ko noon.
Pero nagbago lahat nung nag-break sila ng boyfriend niya. Biglang iba na siya. Parang naging cold. Hindi na siya supportive sa mga kwento ko. Kapag solo ko lang ang nasa post ko, seen zone or dedma. Pero pag kasama ko na si boyfriend sa post, biglang todo like siya. Di ko muna pinansin kasi maliit na bagay lang naman 'yon para sa akin.
May isa pang incident: Nagkaasaran kami ng mga kaibigan ko, and inasar ko siya tungkol sa isang kakilala naming guy. Wala naman akong nabanggit tungkol sa boyfriend ko—walang kinalaman talaga. Bigla siyang nagtanong, “Mag kaibigan ba sila ni[pangalan ng bf ko]?” Nagtaka ako. Parang ang random. Parang may something sa tanong niya na hindi ko ma-explain.
Tapos one time, nagpost ako ng picture namin ng boyfriend ko. Ilang minuto lang pagkatapos, nag-post siya ng parang parinig: "Pwede bang masaktan kahit wala ka namang gusto?"
Napaisip ako. So nagparinig rin ako, to see kung aalisin niya yung post. Iniisip ko, kung may meaning talaga yung parinig niya, baka burahin niya once magparinig din ako. Hindi niya binura. At doon ko na na-feel na may mali talaga. Kaya I decided to cut her off.
So here’s my question: Tama ba na pinutol ko yung friendship namin? Or baka ako lang ‘yung masyadong nag-overthink? Hindi ako galit. Hindi rin ako naghahanap ng away. Gusto ko lang maintindihan kung may sense ba yung naramdaman ko. Thank you sa sasagot, sana maging kind kayo.
Posted May 15, 2025, 4:37 PM UTC