Guardian Angels
Naniniwala ba kayo sa Guardian Angels?
Few days ago, napa alala ako tungkol dito ng senior yaya namin. Matagal na sya samin, sya nagpalaki sakin na ngayon in my mid 30s na. Isa ito sa mga naturo nya samin bilang Catholic.
May plano na kasi ako for few weeks para pumunta dito sa furniture shop na to. Madami nang delays na nangyari and finally nagkaron din ng araw na pwede kami pumunta. Same day andami ring delay na nangyari. from 8:30am naging 12:00pm na ung alis. Nang makarating kami around the area, dahil di ko naman kabisado, paikot ikot pa kami sa building. At nang makarating na mismo sa parking, bigla kaming nasiraan. Hindi lang ito basta sira sa battery, kundi kumalas yung suspension. Wala akong alam sa mga ganitong sitwasyon pero buti na lang naassist kami ng mga guards ng establishment and may dumating naman na trusted mekaniko. Habang naghihintay ako sa mekaniko, dun ko na naisip ang mga negativities, like,
“sana di na lang ako lumabas”
“Hindi talaga ko meant bumili”
“Wala nang pagasa yung sasakyan”
Regardless, tinuloy ko pa rin bumili pagkatapos maayos yung sasakyan.
Nakauwi naman kami ng safe din. At dahil hindi talaga ito inaasahan na pangyayari napagusapan namin ng yaya ko yan.
Sabi nya, “maswerte pa rin talaga tayo dun na tayo sa parking naabutan. pano pag sa daan? May 3 bata tayong kasama, may 2 matanda. Siguro yung guardian angels ng tatlong bata yung nagbantay satin”
Dun ako napaisip. Di yun sumagi sa isip ko habang nagmumuni muni ako. Naisip ko lang siguro may dahilan kung bakit nadelay delay yung on the way kami, pero pinush ko pa din umalis.
Can you call it Butterfly Effect o Guardian Angels? I don’t know. Basta safe kami. And thank you universe.
Posted Jun 3, 2025, 3:59 AM UTC