Need advice, nakakasira na ng mental health😔
Hello, M27. Natutong mag online gambling thru gcash, at first masaya naman talaga kasi nadodoble or triple pa nga yung puhunan mo. Kagabi lang worst experience ko, i lost 38K in just an hours lang ata, nag cash in ako ng 3k then sumunod 5k tapos natalo, sa hindi ko malaman na dahilan nag cash in ulit ako ng 10k then talo na naman. Parang wala na ko sa sarili ang focus ko nalang mabawi, nawala ko sa tamang pag iisip at nag cash in ulit ng 20k at ayun na nga. Pagkatapos nun ubos lahat, nagalaw ko pa yung 30K sa 100k na savings ko. Need advice kasi natatakot ako na maubos lahat ng savings ko which is 70k nalang natira😭 sobrang nanghihinayang ako at sobrang sama ng loob ko sa sarili ko. Gusto ko na makawala sa ganitong pag iisip. Sana pala binili ko nalang ng mga gamit lahat.
Alam kong wala na kong magagawa para mabalik pa yung ganong halaga. Kaya ang gusto ko is maiwasan na ng tuluyan.
thank you in advance sa mga motivations and advices.
Please stop gambling.
Posted Jun 3, 2025, 7:38 AM UTC