How was it moving to Manila?
It's been almost a year since I passed the boards and I still haven't gotten a job from the hospitals and clinics na pinasahan ko ng resume ko dito sa province namin. Wala namang pressure from my family, actually inuudyok nila akong mag-antay nalang ng job opportunity dito kesa mag-Manila kaso nahihiya na din ako sakanila na wala parin akong mahanap na work until now. (Nagrereliever lang sa clincs from time to time) Idagdag mo na din yung side comments ng ibang mga kamaganak kapag nalalamang wala pa akong work. Sobrang nakakalungkot talaga.
Napapaisip na tuloy ako ngayon kung lilipat nalang ba ako sa Manila para maghanap ng trabaho. Sa lugar kung saan wala kaming kakilalang kamag-anak, wala akong matatakbuhan in case of any emergency. Sobrang lungkot isipin na iiwanan ko yung grandparents ko na nagpalaki saakin, pero sobrang di na rin talaga ako okay na wala parin akong makuha na work hanggang ngayon.
I just wanna hear from those people na nakaranas ng same situation pero decided to move to Manila to pursue better opportunities rather than mag-antay sa province nila. How was it? Fulfilling naman ba? How are your finances? And how did you hold yourself up from the pain of leaving your hometown alone?
Posted Jun 3, 2025, 7:39 AM UTC