OA lang ba ako? Bothered ako minsan sa pagiging overly friendly ng bf ko sa babae.
Bago paman kami nagkakilala ni bf, pansin ko madami talaga siyang female friends. I tried not to put any malice pero minsan hindi ko alam kung alin ang normal sa hindi. Most of his friends are girls din sa napansin ko. Even his ig messages pag nabubuksan niya halos babae rin pero I guess wala naman malisya yun. Mga tamang reply lng sa stories ganon. Kaso nga bilang very friendly niya, normal nalang sakin minsan makapag basa ng “syempre ikaw pa rin lodi ko”. I mean kung ganon sila mag usap even before I came into his life, syempre hindi ko na pinapansin ang mga ganon. Parang siya na yun eh, personality na niya yata talaga not to mention casual lang din sa kanya mag like ng photos at stories sa female friends niya. Yung sasabihan sya ng “di mo nakilala kasi ang ganda ko na noh” tapos syempre magrereply din sya “syempre”. OA nga lang siguro ako minsan pero ganon sya ka friendly. Never ako nag open up about dito kasi ayoko naman maging controlling - just that hindi ko talaga maiwasan minsan ma bother.
Na trigger lang ako a few months ago. One night pauwi ako samin (same hometown kami) at nasa same hometown din workplace niya non. He would call to make sure if I arrived safely or if malapit lang siya, pinupuntahan niya talaga ako para makipagkita. Pag may gala din sya lagi niya ako niyaya kahit kasama friends niya or kahit sinong group. That one night kasama niya work friends niya lahat same age level lang namin. Naging close na rin sila lahat. Madami dami rin siya female coworkers. So again, that night hindi niya ako ininvite, hindi rin naghanap ng time makipagkita even after their dinner pero legit alam ko naman na kasama niya talaga workmates niya. Hindi rin siya nangulit kahit hindi nako masyado nag uupdate sakanya that night. Parang inintay niya lang na mag next day na kasi may lakad naman kami at alam niya mapapatawad ko rin siya if ever nagtampo ako. The next morning na confront ko siya na bat parang ang unusual na hindi siya nag invite o nakipagkita man lang kasi walking distance lng talaga kinain nila. He said sorry and naging ok na kami ulit. Nung nakahiga na kami, nakaharap kami pareho sa phone niya kasi may ipapakita siya. Sa instagram niya, lumabas ang kaisa isang search list niya and female coworker niya yun na kasama din that night. To be fair, maganda naman siya typical maputi at maarte sa sarili etc. Tinanong ko siya about it at medyo naging OA reaction ko kasi d ko maiwasan ma link kung bat biglang wala na attention sa phone niya sakin nung night na yun. Sabi ko bakit nasa search list niya siya? Sabi niya lang kasi curious lang daw siya kung may IG yung tao. Tapos nung hindi ako satisfied the next day another reason niya ay tinag daw silang dalawa sa ig story nung isang workmate niya. So sabi ko kung magkatabi sila? Sabi niya agad na hindi. Pero bat mo naman intentionally diba e ssearch kung pwede naman e click kagad yung tagged account sa story? So para mapanatag ako, sinabi ko kung pwede ko ba makita yung story na nkatag nga silang dalawa - tapos ang reply niya sakin is na delete niya na raw yung ig convo at notif na na tag siya (kasi diba pag naka tag ka mag nnotify naman yun sa messages kahit deleted na).
FF na convince niya ko na wala lang yun. Naging ok kami ulit pero hindi na nawala doubt ko. Syempre ayoko naman mag accuse kung wala naman ako ebidensya. At sabi naman niya hindi nga raw sya nag request to follow. Hindi sila nag ffollow sa isat isa. After a month, lumabas nalang din sa ig ko na nag ffollowhan na sila. Kahit wala naman malisya, I felt disrespected na nag open up ako about don pero he still accepted the follow request and followed her back. OA lng din talaga pero bakit hindi enough ang facebook or messenger interactions if workmates lang naman kayo? 2nd, why can’t someone respect his gf’s feelings? Anyways, nag open up ulit ako about dito at ayun naging ok na ulit kami.
Habang wala naman ebidensya na capable siya of cheating, syempre I want to give him the benefit of the doubt. I try to be less praning pero minsan d ko lang maiwasan ma bother. May bagong work na siya ngayon pero hindi ko na masyado iniisip kahit maging close pa sila ulit ng female coworkers niya. Maybe ganon lang talaga siya? Friendly lang siguro.
Kayo ba, how do you deal with your overly friendly bf? Harmless naman ba?
Posted Jun 3, 2025, 7:51 AM UTC