OLA EXPERIENCE
Hi. Share ko lang din ung OLA experience ko.
Sobrang baon na baon ako sa utang ngayon. Ang nakakaalam lang is yung boyfriend ko since nagamit namin ang pera para sa business niya.
Ang boyfriend ko is may business nung nagkakilala kami kaya lang naloko siya gn mga taong pinagkatiwalaan niya, na-scam siya ng almost 10M. Para makabawi, need niya maayos yung isang bagay na pagkukuhanan niya ngpuhunan ulit at dun namin nagamit lahat ng pera na naloan sa OLA. Nagcompute ako kagabi and nagulat kami na umabot na sa 300k ang mga nautang namin. Malaki pa vs. Sa mababawi namin if ever mabenta ung natitirang business niya.
Lahat ng OLA nakaname saken, 1st time ko gumamit ng mga to. And di ko ineexpect na aabot sa ganto kalaki ung utang namin. Ako yung nahaharass sa pagbabayad since wala naman work ang boyfriend ko and name and number ko ang nakaregister sa lahat ng yan. Ang salary ko is 75k lang and breadwinner din ako.
Here yung mga OLA na may pending for payment pa kami. And lahat yan is not yet overdue
Cycle Loan - 20,000 First Funds - 14,000 Rapid Loan - 7,500 (unang loan ko dito is 3,500 then twice ako pinagbayad, kaya iniisip ko if wag ko na lang din to bayaran) Easy peso - 23,442.32 Cashmart - 10,640 Tonik - 28,543 Billease - 20,939 Salmon - 11,196 Fido Ph - 6,524 XLKash - 10,400 Home Credit - 38,016 Finbro - 23,497 (grabe tubo nila dito) Cash Express - 26,750 Honeyloan - 7,194 Kviku - 2,719 Cashalo - 11,404.26 Digido - 19,200 Peso redee - 6,143 OLP - 11,500 Moneycat - 12,000
Nagkaroon ako ng anxiety dahil dito, di ako sanay mangutang sa mga ganito.
Any tips po sa mga may loan sa mga app na yan. TIA
Posted Jun 3, 2025, 7:54 AM UTC