Tanggapin mo muli.

Significant Other

Hi, Mahal.

Alam kong pinaka ayaw mong tawaging kitang Mahal sapagka't hindi ito ang nakasanayan nating tawag sa isa't isa. Ngunit ikaw itong pinaka mamahal ko.

Alam ko ngayon, unting unti ka na nakakalimot. Alam ko na ang naiwan na lang bakas sa isip mo ay ang mga masasakit nating ala-ala.

Ngunit, Mahal, sa pagbalik ko sa lugar kung saan nagsimula ang lahat, nanumbalik rin ang lahat saakin.

Sa pagtagpo mo saakin sa Taft Ave, kung saan tayo nagsimula sumakay. Pumunta tayo sa huling hantungan ng MRT sa North Ave.

Ngayon, pinaka mamahal ko, na andito na tayo sa huling hantungan ng ating relasyon. Ang tanging hiling ko sana ay maari ba tayong pumunta sa gitna?

Katulad ng pagpunta natin sa Araneta Center pagkatapos natin sa North Ave, upang magpahinga at magpalamig. Maari ba tayo pumunta sa gitna upang magpahinga at magpalamig upang magsimula muli?

Mahal, alam kong matagal ka na nakababa ng tren at matagal na palang umalis sa istasyon. Ngunit naandito parin ako. Naghihintay, umaasa. Tila hindi ko kayang lumisan dito.

Alam kong wala ng pag-asa pa, dahil tila matagal mo ng pinaghandaan ang paglisan mo. Pero andito parin ako, nakaluhod papalapit sayo.

Kahihiyan ang aking gagawin, kakababae kong tao, ngunit handa ako magpakumbaba sa harap ng maraming tao upang ako'y pagbigyan mo muli.

Pinipigilan ako ng aking puri at ng aking dangal ngunit mas matimbang ang pagpapahalaga ko sayo. Nawa'y maintindihan mo na sa kabila ng lahat, wala na akong ibang mas mamahalin bukod sayo.

Nawa'y tanggapin mo muli ako, Mahal. Masakit nung iniwan mo ako pero mas masakit ang iniwan mong masasayang ala-ala saakin.

Ramdam ko ang hapdi sa dibdib ko. Ramdam ko ang pagpatak ng dugo mula sa dibdib ko at tuluyang dumadaloy sa labas ng balat ko't bumabagsak sa lahat ng dinadaanan ko.

Napakabigat ng aking dinadamdam. Walang anong okupado at pagod ang gawin ko ang magpapaalis sayo sa isipan ko. Sa pagdating ko sayo, tanggapin mo muna ako pansamantala upang makapag pahinga muna ako saglit.

Ang pinaka nagmamahal sayo at nasasabik ka ng makita kahit wala pang kasiguradohan kung ako'y tatanggapin mo pa, -Luv.

Posted Jun 7, 2025, 11:45 AM UTC

21

Comments aren't archived yet

This post had 1 comment on Reddit. Comments for this period haven't been loaded into the archive yet.