MCA Multo by Cup of Joe
I'm taking a step forward. Sobrang sakit at hirap pala mag step forward to move on. Everything reminds me of you. Everyone are praying for me, wishes me well. Because they know how hard, difficult for me to accept this and to move on.
Alam kasi nila eh, AL, eh. Alam nila kung gaano kita minahal... Kung gaano kalakas at kalaki ang pondasyon nating dalawa. Kung paano natin hinarap lahat ng pagsubok na naitapon saating dalawa.
AL, sobrang sakit parin. Alam ko na di mo rin naman 'to mababasa, pero I just want you to know na ang hirap hirap sa part ko, alam mo yan. Alam mo kung gaano ako maghihirap at magsusuffer pag ginawa mo 'to, pag iniwan mo ako. Pero sa huli, mas pinili mong tibagin tayong dalawa.
Remember our wedding video na nagviral? Our videographer asked us kung ano gusto natin sabihin sa isa't isa, remember what I said? I said that, "I hope you will keep your promise no matter what". Pero ano? Pang ilan ayos ko na 'to sa relasyon natin. Kahit saan tayo magpunta, iniiwan mo ako pero ako naman tong habol ng habol, gumagastos ng libong libong airplane ticket para hanapin ka.
Grabe yung iyak ng tatay ko nung hinatid niya ako sa bus terminal para sumama sayo, because I chose you nung panahon na yun na dapat sarili ko nalang pala.
Bat nga ba kita hinahabol ng ilang beses? Kasi aware at alam ko naman na saakin ang may problema everytime. Pero I always chose to fight for us. Bat hindi mo ba nakikita iyon? Lagi mo nalang nakikita yung mga pagkakamali ko. Lagi mo nalang nakikita yung mga ginagawa ko sayo na kaya ko lang naman yun ginagawa kasi nasasaktan mo rin naman ako.
Never naging issue ang third party from both sides, never naging issue ang trust saatin dalawa. Alam din natin kung gaano natin kamahal ang isa't isa. Di rin natin kinakaya magkahiwalay sa isa't isa kahit isang araw lang. Pero bat ganito, AL? Anong meron bat pinili mo nalang maghiwalay officially, legally?
Diba nag promise tayo na sa hirap at ginhawa? Sa hirap at saya? Bakit? Bakit di mo natiis ang hirap? Ang rough road? Sinamahan kita sa pinaka lowest point nating dalawa. Nasubukan natin umulam ng delata ng ilang linggo pero sinukuan ba kita? Sinamahan kita sa init at ulan sakay sakay sa motor mo pero iniwan ba kita?
Malapit na tayo sa tuktuk, Mahal. Sobrang lapit na. Malapit na tayo magka four wheels pero bat ganito? Mas pinili mo parin ang pamilya mo kaysa saakin. Mas pinili mo nanay mo kaysa saakin. Inexplain ko naman sayo bat ako lagi nagrereklamo when it comes to your family pero ano? Sa huli kasalanan ko parin pala na naghihimaktul ako sainyo kasi imbes na ayusin natin lahat ang relasyon sa isa't isa, mas pinili niyo ang pride at ego niyo. Tapus ngayon kasalanan ko parin pala na nasasaktan ako sa trato ng pamilya mo na todo deny niyo naman.
Am I being gaslighted? Di ko alam. Pero ang alam ko sobrang sobra akong nasasaktan ngayon and it's understatement. Walang klaseng salita ang makakapag describe sa pakiramdam ko ngayon.
Ramdam na ramdam ko ang bigat ng espada na naka tusok sa puso ko habang may baril na nakatutuk sa utak ko at anytime pwede ito pumutok. Ramdam mo ba yan? Mukhang hindi. Kitang kita ko kung paano ka gumawa ng dummy account at nagtatago sa pangalang Carding habang ang nasa friendlist mo lang ay ang mga kapatid at magulang mo. Samantalang naka block ako naman ako sa simcard mo.
Gaano mo ko kinamumuhian? Gaano ba kalaki ang kasalanan ko? Gaano ba kita nasaktan habang tayo pa? Grabe ka pala gumanti. Ni hindi mo man lang ako hinayaan mag explain sa side ko. Basta basta mo nalang palagi ako iniiwan.
People will hate you after reading this but they don't know how you are the greenest flag on earth. And I did take advantage of that. Di ko man lang pinang ingatan. Di ko man lang nasuklian ang pag ibig mo. Di ko man lang napantayan ang pag ibig mo.
Yun ba? Yun ba ang dahilan, AL? Hindi ko kayang suklian yung pagibig na binigay mo? Hindi ko mapantayan ang pagibig mo? Hahaha. Napakasakit na ngayon ko lang narealize.
AL, I hope you take your time na maghanap ng iba. Please let me heal first bago mo ibalita sa iba na may iba ka na. Mahal na mahal kita at alam yan ng buong sambayanang tao. Hindi maitatangi ng mga tao na nakasalamuha natin kung gaano natin kamahal ang isa't isa. They always told me na "what? Prinsesa ka doon ah? Talaga ba? Imposible. Mahal na mahal mo yan ah? Imposible. Kulang nalang halikan niya dinadaanan mo eh. You are the last couple na maiimagine naming maghihiwalay."
And fucking shit. Sobrang sakit marinig yan sakanila. Sa pov pala ng ibang tao, napaka perfect ng relasyon natin kasi visible ang pagmamahalan, pagpapahalaga at respeto natin sa isa't isa.
Mahal, for the last time, saan ba ako nagkamali? Marami ba? O doon lang sa lagi ko pinupuna yung mga inlaws ko kasi ako lang black sheep sa mga magbibilas?
Wala ba akong karapatan magreklamo na nung mayaman pa magulang ko, halos di na makahinga Nanay ko kasi dikit ng dikit yung mother mo? Tapos ngayon na bankrupt sila, kating kati si Mama mo na paghiwalayin tayo?
Ngayon ba, Mahal? Walang mapaglagyan ng tuwa at saya yang mother mo kasi nakapaghiwalay tayo. Sabi nila, hilingin ko daw na karmahin ang nanay mo pero di ko magawa. Di ako ganun kasuklam-suklam na tao para hilingin sa diyos ang karma ng nanay mo.
Sa huli, kasalanan ko parin naman. Di kita pinag ingatan. Di kita iningatan. Lagi ko pinipili ang pakiramdam ko, ang galit ko sa Nanay mo. Kaya sa huli, Nanay mo rin ang nagwagi.
Pero sana marealize mo na saaming dalawa ng ex mo, mas masahol siya kaysa saakin. 'Di ko kayang gawin sayo ang mga ginawa niya sayo. Ngayon nga na magkahiwalay na tayo, di ko kayang gawin na mag entertain ng iba. I feel like I'm cheating on you, everytime na may nakatitig at nakatingin saakin na ibang tao/lalake.
Speaking of, di ko rin ma imagine na may ibang hahawak saakin, Mahal. Hahaha. You still hunts me everywhere. Sana, I also hunts you everytime. Masyado tayong maraming memories jan sa Mindanao. Pero sa bagay, dito rin naman sa Luzon.
Sana nga nagka anak nalang tayo para kahit papaano may connection parin tayo sa isa't isa pero wala. Ito ngayon, I'm wondering kung anong ginawa mo. Kung nakakain ka na ba. Kung may natitipuhan ka na bang iba.
You scares me, you know that? Kasi ako alam ko mismo sa sarili ko na kapalit palit ako. While you? My real life, Massimo, Michele Morrone.
Ahh remembering your face, sobrang sakit sa ulo at puso hahaha. Ang sakit sakit na may ibang babae na magkakaroon ng chance na mahalin mo. I'm weak, my love. Sobrang swerte niya pag nagkataon. Kaya please give me some more time to heal before you find somebody else.
Di ko kasi kakayanin. Please send some help.
Posted Jun 10, 2025, 3:10 PM UTC