r/NursingPH•
2roneee

Unhinged Review days story: Need ng canon event for board exam!

Funny Stories/Memes

Hello nurses!! Share ko lang story ko while reviewing for boards kasi medyo nakakatawa na nakaka inis story ko HAHAHAHHA

So ito na nga nag rereview ako sa manila sa morayta for boards and taga medyo south ako and over talaga sa travel time lagi ang ginagawa ko para makapasok ng lectures. This one particular day CHN ang topic and sobrang late dumating ng lecturer like 1 and a half hour late na si lecturer so bored na ang keki laging inaantok and scroll scroll lang sa brain rot app HAHAHAH. So nag start na class ni lecturer and diko alam like bored na bored ako sa turo nya kasi sobrang bilis nya mag turo. So nawawala nga ako sa focus makinig sakanya nag open ako ng dating app while ongoing yung lecture HAHAHAHAHAHAH. Tapos may nakausap ako inaaya ako makipag kita agad sa glorietta, so keki naman pintig ang mata kasi gwapo ang nakausap AHHAHAH. Lunch time na and sabi ko sa classmate ko sa review na tara uwi na tayo AHHAHAHAH pero deep inside bet ko na makipag kita HAHAHHA tsaka para may kasama ako mag cutting HAHAHAH.\

So pauwi na kami mag lrt kami and sabi nya uwi muna ako and mag pahinga tas mag meet kami sa mall sa makati. pumayag naman ako and nagpahinga konti and magpalit kasi naka review center shirt ako and para naman fresh ako diba. then after lunch naka uwi nako and prep na then head out sa mall sa makati. Excited pa naman ako kasi hala may pogi akong makaka date. Nag meet na kami to eat lunch and si koya oks naman liike mukang matino and mabango ganon. Pinag order nya ako sa kiosk ng mcdo binigay nya card nya sagot nya daw,

Tapos ito na nga di nag process yung payment bumalik ako sa table tas shutainames mga ma wala na sya kasama gamit ko (sabi nya kasi iwan ko na gamit ko baka nabibigatan ako eh dala ko kasi ipad ko iphone and other things) Ma nanlamig talaga pawis ko nung nawala sya. Takbo talaga ako sa manager baka pedeng kuhain agad yung cctv footage kaso bawal daw. Then diretso ako sa mga security guards to report the incident na na budol talaga ako!! BUDOL TO KASI KINUHA LOOB KO WAG NYO AKO IBASH AHAHHHA. yun na nga nareport ko na sa mga guards tas dinala ako sa security office nila ganan ganan fill up ng forms and all. Tas buti nalang di ako naiiyak more of dissapointment sa sarili kasi I shouldve known better not to easily trust people. Tas tinanong ng guard if magpapa blotter daw ba ako sabi ko oo tapos sinakay ako sa patrol ng mall going to the barangay hall HAHAHAHHA. Para akong VIP dito sa experience na to HAHAHAH hinatid talaga ako sakay ng pick up patrol ng mall AHAHAHA. Tas don ininterview din ako ganon tas pinahiram ako ng phone to log in sa icloud and find my kaso sa sobrang taranta and kaba ko nalock ko yung apple id account ko diko tuloy nabuksan para malaman nasaan yung device ko HAHAHAHHA. So after sa baranggay hall dinala naman ako sa police precinct para makakuha ng police report for the insurance ng ipad ko and to file the incident na talaga. Tas over naman sa empathy mga police na nag iinterview sakin sabi nila awww sorry to hear your experience na gusto mo lang naman may makilala tas na scam/ budol pa ako HAHAHHAHA, Natatawa ako deep inside kasi ganto nangyayari sakin HAHAHAHAHHAHA. Tas yung chief ng precinct eh binigyan pa ako 150 para may pamasahe ako pauwi AHHAHAHAHHA kasi nga buong bag ko natangay like walang natira sakin AHHAHAHAH. Then ayon ka chikahan ko yung mga police inaask ako if mag iinvestigate daw ba (diko na tinuloy for the sake of my peace of mind) Going back ka chikahan ko yung pulis na ayun nga reviewee ako and all prepping for boards tas nasabi nya nalang na goodluck sakin sana makapasa pag ppray nya daw ako.

After nung incident di ako makakain ng ayos kasi na shock talaga ako HAHAHAH di ako maka attend ng lectures and yung mga notes ko nasa ipad like buti nalang thankful ako sa mga classmates ko sinendan nila ako notes and all. Tas mga 1 week ako naka labas ng bahay para maka attend ng review in person. Tas pag balik ko sa RC preboards pa like lugmok na nga ako in life lugmok pa ako sa results ng score ko HAHAHAHAHAH

Everything Happens for a reason and after my review journey nakapasa naman ako sa board exam and satisfied ako sa Board rating ko.

Lesson to be learned during review season?

  1. Alam ko nakaka lungkot pag single ka and all kasi wala ka kausap para mag vent out during studying pero tandaan nyo lang na despite the loneliness while reviewing need nyo to focus on your future wag nyo ako gayahin please
  2. Wag kayo mag cutting!!! sulitin nyo buong araw nyo sa lecture HAHAHAHAH
  3. Wag mag tiwala agad kahit pogi HAHAHAHAHHA

and lastly mag tiwala kayo sa sarili nyo na papasa kayo!!!

Goodluck to all future nurses!!!!

Hoy wag nyo ako ibash please HAHAHAHHA

Posted Jun 13, 2025, 12:23 PM UTC

100
Loading comments…