r/adviceph•
mon-lune

My Aunt is Cheating and She Doesn't Know I'm Aware

Love & Relationships

Problem/Goal: My mom (senior citizen) and I have no secrets between us, so she told me yesterday about her sister's confession. Sabi nya, wag daw sabihin sa iba but mom's being bothered by it if she won't tell me. I was not supposed to know this, but now, it's been on my mind heavily too. I wanted to discuss it with my tita. Dami kong gustong sabihin. Bukod sa malaking kahihiyan ito sa probinsya at pamilya namin, I know na mas malaking mawawala sa kanya pag naghangad siya ng mas mataas sa kaya nya.

Context: May nag-add na foreigner daw sa tita ko and they started messaging each other. Nung una akala daw niya scammer or hindi naman totoong identity, but the guy sent his passport, driver's license and other ID for proof. Doctor daw so may pera. Pina-print din daw picture ng tita ko, and may photo siya na kayakap yung photo na yon.

The thing is, nahu-hook na tita ko sa lalaki at naghihintay na daw ng chat nya. Nag iiloveyou na daw sa kanya yung foreigner but idk lang if she says those too. Pero nasabi naman daw ng tita ko na may asawa't anak na siya. HOWEVER, she added na hindi na raw siya masaya, kaya siguro nagkaron ng go signal yung guy to woo her.

My tito is actually a very green flag man. He's very patient. Lahat ginagawa nya para sa tita ko and very spoiled nya sa act of service. Nakatira sila sa probinsya kasama pinsan ko, at yung tita ko naman nakatira dito samin sa Manila dahil sa work. Every week uuwi tita ko sa probinsya para makita ang mag-ama niya. So I thought all is well, tapos biglang may ganitong pangyayari. Kaso napapagod na daw at nahihirapan tita ko. From riches to rugs kasi sila. Maraming utang. Nalugi negosyo nila at nakuha yung kotse kasi di natapos hulugan. Sira bahay nila. Pag uuwi daw sya hindi malinis ang bahay. Sira CR, may tumutulo sa bubong, etc. Yung tito ko walang stable job, nagtatanim at nagtatricycle sya minsan tas yung pinsan ko tamad mag-aral, e may ADHD pa at need ipagamot dahil may mental health disorder nga din.

Kaya ang sabi ng tita ko kay mom, gusto nyang pumatol sa foreigner para daw maiahon yung buhay nila mula sa hirap. Kumbaga ang pangit din nito na gagamitin nya yung tao para sa pera. Hindi lang sya basta magtataksil. Kaming dalawa ni mom yung nasaktan on behalf of her husband. Tbh he's a man I want to become. Walang bisyo, walang babae, napaka-patient at understand pa. Minsan ko nang nasabi sa tita ko na sa lahat sa kanilang magkakapatid, siya pinakaswerte sa asawa. Pag uuwi sya every week, wala syang problema kasi tito ko naglalaba para sa kanya. Pag may ipakisuyo sya sa probinsya, ginagawa agad ng tito ko. Very supportive husband nya at ang bait na tatay sa pinsan ko. Wala siyang ginawang masama to deserve that kind of pain due to her infidelity.

Previous Attempts: Wala. I'm waiting for her to confess to me too, or ask me for any advice. Ayoko rin siyang pangunahan. Ayokong malaman nyang alam ko dahil baka mag-away sila ni mom.

Posted Jun 15, 2025, 3:11 AM UTC

17
Loading comments…