Perseverance.... I wrote this story to inspire specifically for students like me who struggled or struggling right now.
Isa akong batang laking mahirap. All the kinds of bullying naranasan kona and kahit I am on my adult stage na bakat na bakat padin sa ala ala ko kung ano ang mga napagdaanan ko during my years of schooling.
During my elementary days way back mga 2004-2010, baon ko 2 pesos a day pero hindi pa araw araw may baon. Minsan nag aabot sila mama at papa ng 5 pesos ng monday and that's it for the whole week. I am too innocent in those time kasi Im proud to say na never ako nag cocomplain to my parents regarding that,siguro dahil alam kong wala din naman magbabago if I ask them kasi I know na walang wala din naman talaga sila. Minsan yung mga kaklasmayt ko pa noon tinatawanan ako pag tinutulog ko lang ng recess time namin kahit yung tiyan ko tumutunog sa gutom, while them enjoying their meals and have money on their hands to show off. They don't wanna be friend with me either kasi di ako nakakasabay sa kung anong meron sila kaya ako yung typical na batang PAPASOK sa skul ,UUPO,TAHIMIK at magsasalita lang pag kinakausap. Ang tanging alam ko lang non is disiplinado ako ng mga magulang ko kaya naman never ako nanlimos ng kahit ano or nainvolve sa gulo or na guidance sa skul, if my conflict man non sakin at sa klasmayt ko, umiiwas nalang ako at mananahimik kasi takot akong magkamali eventhough sinasabihan na nila ako "DUWAG" "LAMPA" etc.... One time may pinapa project si teacher sakin that requires money to buy it. Sinabi ko din naman kila mama pero they can't provide so pagpasok ko ng umaga sa skul, sobrang kabado ako kasi lahat sila may maipapasang project and ako lang wala. Then when my name called by our teacher sinabi ko yung totoo but the teacher just say "Baka gusto ako pa magprovide para sayo" sabay tawa. Until then naging hobby na nya akong pagtawanan infront of his co teachers at sa mga students at ako lagi inuutusan taga bunot ng puting buhok nya.🤣 well nakakatawa nalang sya sakin now pag naaalala ko
Fast forward... 2011 Highschool days... I enter highschool like elem na walang wala din. All my things are old, from bag to notebooks, yung lapis ko parang nasa 3 inches nalang ang haba kasi di ko napapalitan. Even my slippers have butas na which is naging reason ng bullying din. Yung ibang klasmayts ko laging kinukwestyon bakit daw ganun di ako mabilhan ng mga magulang ko pero di ko sila sinasagot. Just like elem days, ako yung tipo ng stujanteng tahimik lang sa upuan, kaya ang tingin ng guro namin sakin "MABAIT" pero may mga guro padin na hindi talaga ako nagugustuhan dahil sa bagay na wala ako na meron madalas mga klasmayts ko. Malayo ang skul namin sa mga bahay namin kaya nagbabaon kami ng pang lunch namin. Madalas baon ko araw araw is itlog,pancit canton na isang piraso tapos ginagawa kong pang recess at lunch na yun. Even that thing I was questioned lagi by my klasmayts but I don't answer them. I was so lonely nun kasi wala naman gustong makipagkaibigan sakin, even if may groupings, I was left alone and doing my activity alone. If you guys are wondering how's my marks in school? I was a regular student and never ako na fail sa subject ko kasi yun din habilin ng magulang ko sakin. I was so obedient to my parents even those times na pinag aabsent nila ako para magtrabaho sa bukid at para may baon ako sa school.Then the next day, I will be punished in school for being absent without telling them my reasons. I know how hard my life is kaya nangangako ako sa sarili ko na I have to finish my studies kahit anong mangyari. There are some teachers who love humiliating me in front of many students for the things I have, such meron daw ako shoes na old pero walang socks, butas ang pantalon, and ngilaw na ngilaw ang puting uniporme signs of it being old enough. One thing I am struggling about is yung yellow pad paper, yun kasi gamit namin ng highschool and most of them have it tapos ako pag humihingi ako ayaw din naman ako bigyan, kaya ang ending I'm using notebooks as alternative for it. My teacher would question it again pero same thing, my silence is my response. In those years, teachers are allowed to beat students as sign of disiplina and I was beaten as a punishments for not providing projects and unattended classes dahil sa need ko kumita ng pera para may pambaon. Pag binabalikan ko siya, awang awa ako sa sarili ko. And those people who treated me that bad, I still remember them but I forgave them. Masakit lang pag naaalala ko😭 I just can't imagine na nalagpasan ko siya na ako lang magisa at walang nasandalan even my parents. All those bullying I have received from my society, inako ko lang magisa yun at none from my siblings and parents knows about it.
Fast forward...2015- 2019 College... This one is the most legit na sobrang hirap. Pero bago pa mag umpisa ang semester nun I confront my self na kahit anong mangyari " I have to be a regular students,walang bibitiw at wag na wag babagsak sa kahit anong subjects
1st -2nd year college ko, I tried everything I can, to provide for my own tuition fees and allowances. Yes nagbibigay sila mama at papa pero hindi kasya, minsan 150- 200 lang kaya nila iabot for a week allowance, ang bording house ko laging delayed ang bayad, and my tuition is always on hold kaya laging suki ako ng special exam. Pinasok ko mag work as taga dilig ng halaman and care taker ng isang bar and grill for the night and study in the morning. I have no choice but to do it cause ayokong mag stop sa pagaaral. Kaya naman pag sumasahod ako sa part time ko, binibili ko ng mga sapatos sa shoppee and then I resell it on facebook market online around the city. After my class ng afternoon dun ko sila minimeet up sa city and there I earned money. Tho, of all the efforts and hardships na ginagawa ko still my studies is my top priority. I was so payat sa sobrang pagod, puyat at stress.lagi pa akong nag nose bleeding and I was so worried for my health pero tuloy ang laban. Again, none from my siblings and parents knows about it. I kept it all alone and di din naman sila nag tatanong kasi they thought I am doing fine dahil wala din naman silang narerecieved na reklamo sakin. BULLYING? ofcourse di padin ako nakaligtas jan, I was called "EWW ANG ITIM, MUKHANG MATANDA kasi di nakakapag ahit ng balbas at nakapagpagupit" minsan sasabihin pa nila "Huy kumain ka naman para ka nang kalansay" without knowing my whole story. One time I cried inside the confort room kasi I couldn't help myself na mainggit sa mga classmates ko nun na after class they will be having a talk about san sila mag lulunch if sa Jollibee ba, mcdo or sangyup. Samantalang ako, after class I was so busy meeting people with their orders. Minsan nadadaanan ko pa sila sa fast food having a good time while ako may bitbit na malaking basket puno ng sapatos na idedeliver.🙂 If my mandatory na event sa skul na need attendan, I used to ask people I don't know if may pwede ba akong mahihiraman ng susuotin tapos sasabihin nila try nila hanapan ako pero they then laugh at me afterwards. I feel so ashamed of doing it but I have to. So ayun na nga iniignore ko lang yung mga moment na tinatawanan ako sa looks ko, sa mga bagay na wala ako na meron sila. Basta focused ako sa acads ko nun at sa pagkita ng pera.
During my 3rd yr college. Yung part time kong work nagsara so I was forced to stop working with them na. And so yung pagbebenta ko ng sapatos nalang ginagawa ko. I was so lost that time kasi diko alam ako gagawin ko. Malaking tulong yun sakin lalo na 2yrs nalang kailangan kong tapusin sa pagaaral at mas malaki ang expenses ko na.Isang araw papasok ako ng gate sa skul and there are posters around our campus about scholarships and yung minimum qualified average. I have know idea if abot ba ng average ko dun sa offer ng scholars. so I run towards our registrar to request for a certificate of my grades. My world just stop for a while and I'm in tears kasi naabot nga. 86.04 yung average ko and the asking is 85.0.lang. moving forward, I got the scholarship and it helps me with my tuition fees. Kaya ang pinoproblema ko nalang non is bording house ko. Until meron na namang ibang offered na scholarships sa city so kahit sobrang haba ng pila,tiniis ko kasi I know it will save me. Luckily God is so good to me kaya I got them. That's why sa huling taon na pagaaral bago grumaduate, everything goes well and smooth because of those 3 scholarships. I Gave up selling shoes and focus sa exams nalang until I manage to graduate.....
July 2019.... FINALLY GRADUATED AND A CERTIFIED DEGREE HOLDER OF PSYCHOLOGY....
2024 update about me? I am now in a good path, I took a career that is relevant to my degree and still want exploring more things...
Posted Jun 23, 2025, 4:12 AM UTC