ABYG if ineexpect ko na na yung kuya ko ang magpapaaral sa bunso naming kapatid and susustento kahit papano sa pangangailangan nila mama at papa kahit na nasa age na sya para magpamilya?

Family

so, I have an older brother who just finished his degree. okay yung degree na pinagtapusan nya this time around. pero ang problem is natapos nya yun ngayon na 33 na sya. wala naman sanang kaso samin kaso up until that age si mama ang nagpaaral sakanya, gumastos, etc. — dapat by 22 sana you expect na tapos ka na magpaaral ng anak mo, sila na tutulong, kaso hindi eh. palipat lipat sya ng program hanggang sa nagsettle na sya dun sa tinapusan nya.

ok naman sana sakin, kung hindi lang sana kasi si mama pinasustento nya sa pagaaral nya hanggang sa 33 na sya. kasi aside from him, 3 pa kami na sinusuportahan ni mama. i know na bago ka mag anak, dapat financially stable ka muna, and my mom is naman. kaso pushing it to 33? parang di naman na ata okay lalo nat di naman kami ganun ka-well off.

ngayon, malapit na mag senior citizen si mama and tapos na rin naman na sya sa pag-aaral. okay naman na ata na sya na sumalo dun sa bunso namin ano? (tutulong rin naman po ako by the time na tapos na ko magcollege) or is it bad for me to think so?

33 na si kuya and pwede na magpamilya, and i can't help but also to think na he should have the freedom na to make a family and not be burdened by us kasi responsibilidad naman tlga ng mga magulang ang paaralin anak nila? nakikita ko na rin po kasi yung kuya ko na nagpopost about sa paghahanap ng jowa haha. pero kasi it doesn't sit well with me na for how many years sya sinustentuhan ni mama na dapat sana nagtatrabaho at nakakatulong na sya, so i need opinions on how to process this. so ABYG?

Posted Jun 23, 2025, 4:14 AM UTC

75
Loading comments…