TRANSGENDER VIOLENCE: Sinapak ako ng lasing sa Shaw Boulevard

GovtServicesPH

Hello. I'm a transgender woman. Itatanong ko lang kung sino ang may kontrol sa CCTV sa bansang Shaw malapit sa MRT Shaw Station?

Pinabarangay ko kasi yung nanapak sa aking lasing. Binabaliktad pa ako na hindi niya daw ako sinuntok. Ako pa ang binaliktad na hinihingi ko daw ang IG niya. Eh hindi ko naman siya kilala.

Tapos naka-maintenance daw ang mga CCTV sa Barangay. Bakit tuwing may mangyayaring gulo, palaging sira ang mga CCTV ng mga barangay?

Lumabas lang ako para bumili ng tinapay tapos binangga ako ng lasing. Tapos nung napareact ako, hinabol niya ako at hinablot yung suot ko at sinapak sa likod ng ulo nang dalawang beses.

Tapos sumigaw ako nang sumigaw sa kalsada nang alas tres nang madaling araw tapos yung mga pulis, nonchalant lang ang facial expression sa pagpapanic ko.

Posted Jun 30, 2025, 3:05 AM UTC

635193
Loading comments…