r/LipaCity•
mrsFawzzz

3rd term

Now that it is the last inaguration day in his last term, sana naman mag clutch 'tong si Mayor Africa. Nakukulangan talaga ako sa kilos nya ngayon. Sabihin na nating madaming investors at establishments na nataguyod ni Mayor, pero parang nakukulangan ako sa wow effect (sorry bias ko talaga sila Mayor Leni, Vico, at Joy)

Doon na lang tayo sa transportation. Nagkaroon na ng traffic light sa medix, at pa-sm pero hindi nagana yung existing traffic light? Hindi rin nagana yung ibang streetlights sa mga karatig baranggay, nahihirapan ba silang isustain yon? May mga bike lane nga, di naman magamit ng ibang bikers dahil minsan ginagawang parking, minsan mga kotse at jeep pa nakikinabang dahil doon sila dumadaan? Napansin ko rin sa bayan/palengke may mga walang helmet tas naka tsinelas pa yung ibang nag momotor, pero ngingitian lang ng TMD dahil kakilala?

Sa daming projects ni Mayor, ay natutuwa ako dahil madaminf nag iinvest sa Lipa, hindi na tayo para pumunta ng ibang lugar, pero sana yung ibang projects ay masustain nila.

Posted Jun 30, 2025, 3:21 AM UTC

60
Loading comments…