Hirap maghanap ng Trabaho
26(F) Mechanical Engineering Graduate. Di ako lisensyado since nahirapan na akong bumalik simula nung nagtrabaho ako. Pandemic graduate, year 2020, kaya di nakapag exam since noong pandemic laging di natutuloy ang exam kaya nung medyo nagkaroon na ng chance makapag work (before second wave ng covid) nagtrabaho ako sa BPO, okay naman ang offer since mataas lalo na kapag may Night Diff but because of SA / SH from my Sup nagresign ako. Then nagpahinga ng almost 1 year since diagnosed with DEPRESSION and PTSD. Ngayon nasa field na ako ng Engineering, yun nga lang as Sales Engineer mostly for Industrial. Ngayon, gusto ko ng lumipat kasi super baba ng sahod, 18k pero dahil sa mga kaltas nagiging 16k na lang monthly. No OT PAY, No HMO, just gov’t benefits. Tapos nalaman ko pa na yung kaltas sakin di naman pala nahuhulog sa benefits ko esp ang sa SSS. Ano kaya pwede kong gawin?
Ano kaya pwede ko pang pasukan ngayon? Hirap na hirap ako maghanap work pamalit dito sa current work ko. Nag-aapply naman ako kaso nga lang kung hinfu fresh graduate ang preferred nila eh may lisensya naman. Kung may experience naman, barat pa din ang offer.
Posted Jun 30, 2025, 3:23 AM UTC