Kikitain ko siya last time para linawin kung ano ba talaga kami. Kung ma-reject ulit ako, hihingi na ako na huwag na kaming magkita ulit.

Love & Relationships

Problem/Goal: Gusto ko na talagang malinawan sa nararamdaman niya. Plano ko siyang kitain for the last time at sabihin ulit kung ano talaga nararamdaman ko. Kung tanggapin niya, okay. Pero kung hindi pa rin, hihingin ko na rin na huwag na lang kaming magkita ulit kahit siya pa ang nagyaya. Para makapag-move on na ako nang maayos. Nanghingi na rin ako ng advice sa mga friends ko. Sabi nila, subukan ko daw maging medyo touchy—like holding hands, para makita kung irereject niya ako. I-kiss ko daw, pero feeling ko sobrang wild na nun hahaha. Pero dahil baka ito na yung last time na magkita kami, ayoko talaga na may pagsisihan ako after. Kaya suggest naman kayo—anong pwede kong gawin? 😆 Meron na 'ko previous post about this, pero more on ano ba dapat gawin ko since baka last meet nanamin to.

Context: Close friends kami since college, 5 years na rin. Nag-confess ako at niligawan ko siya for a few months, pero nagka-argument kami at sinabi niyang friends nalang kami. Tinanggap ko naman. Pero after nun, mas naging close pa kami—chat araw-araw, sabay mag-review tuwing Saturday, tapos mall or sine kami after, kaming dalawa lang. Naimbitahan pa ako sa family dinner nila, at minsan may sinasabi siyang “Tara, sabay tayo mag-apply abroad.” Ang weird lang, kasi yung mga ginagawa namin ngayon, halos same nung nanliligaw pa ako. In fact, mas close pa kami ngayon. Hindi naman kami ganito lumalabas dati. Minsan tuloy naiisip ko… parang jowa niya ako, minus the romance part. Pero dahil medyo naddrain na rin ako emotionally, at nararamdaman kong parang tinetake advantage na niya yung feelings ko, na-realize ko na kailangan ko na talagang malaman kung ano ba talaga kami. Kaya this time, I’ll ask one last time. This may be our last meeting.

Previous attempt: Simula nung sinabi niyang friends lang kami, tinanggap ko 'yon at hindi ko na binalik pa sa usapan yung nararamdaman ko. Pinili kong maging present as a friend, kahit deep inside, may feelings pa rin ako. Sinubukan kong hindi umasa, pero habang tumatagal, lalo akong nalilito—lalo na dahil sa closeness namin ngayon. Wala pa akong direktang tanong na “Ano ba talaga tayo?” kasi ayokong sirain kung anong meron kami. Pero ngayon, ramdam ko nang kailangan ko na talagang linawin lahat para makaalis na ako sa pag-aakalang baka may chance pa.

Posted Jul 4, 2025, 1:19 AM UTC

315
Loading comments…