The privileged of having a support system.

NO ADVICE WANTED

‘Di ko muna ikukuwento lahat pero naloko ako sa pag-ibig tas tinakbo nya lahat ng pera ko.

Sobrang lugmo ako kasi sobrang mahal ko siya. Akala ko totoo dahil alam ko kung saan nakatira, alam ko rin yung pangalan ng mga kamag-anak at saan nagwowork. Nung una may kutob na ako pero tinuloy-tuloy ko pa rin hanggang sa nahuli ko at ‘di na ako kinikibo.

Grabe pala yung ganitong betrayal, noh? Tanggap ko kung niloko lang nya ako pero pati pera ko kinuha.

Tapos ilang days ako di makakibo, di makagalaw, di makakain. Everytime na nakaka-amoy ako ng pagkain nasusuka ako. Tulala ako. Nagwoworry sa’akin magulang ko. Nakita nila na sobrang nagdedegrade na yung health ko. Ayaw ko ipa-alam sa kanila na maliban sa heartbroken ako ay nalubog ako sa utang dahil sa lalaking yun.

Nung napansin nila na ganun ako, grabe yung hawak nung nanay ko sa’akin. Nasa labas kami nun tas nakita nya akong di nakain masyado kaya offer siya nang offer ng food. Ganun rin yung Papa ko.

Pag-uwi namin, natulog kami ni Mama na nakaholding hands and for once, kahit papaano, I felt safe.

May mga very selected friends rin akong naiyakan na ng problema. It was a relief kasi kung di sa kanila baka kung ano na rin nagawa ko.

I have plans. Concrete na plans ko for this year. Sinira lang talaga netong manloloko na to. I had to message my boss na ‘di muna ako magmamasters dahil andaming nangyayari sa’akin. I was apologizing profusely kasi pangarap niya sa’akin yun- to follow his foot steps. Naiyak ako nung nireply niya sa’akin sa chat ay “Oh my god! Anong nangyari? Usap tayo.” Alam kong mabait yung boss ko pero di ko ineexpect na ganun magiging reply nya. ‘Di ko dinisclose kung ano yung nangyari talaga saakin, sinabi ko lang na may malaki akong problema and I will tell him once na nagsettle na yung dust at nakagawa na ako ng paraan.

Kanina rin, tumabi ako kayla Mama sa kama. Lowkey naiyak ako kasi niyakap ako ni Mama na para akong bata. Antanda-tanda ko na pero etong nanay ko hinahayaan lang nya akong yakapin sya tas ingudngod ko mukha ko sa kanya. Hinalikan pa nya noo ko 🥹

Buhay pa ako ngayon dahil sa kanila. Sobrang thankful ako sa mga tao sa paligid ko. Alam kong marami pa akong problemang haharapin, pero promise ko sa sarili ko na tatapusin ko kaagad ‘to para maibalik ko yung love na binigay sa’akin ng mga taong mahal ko.

Please wag niyo na rin po akong tanungin kung paano at ano ba nangyari saamin nung “jowa” ko. Hindi ko na po kailangan pang pagalitan pa dahil lesson learned na ako. Gusto ko lang maiflex yung support system ko and to remind myself as well na ‘di ako pwedeng sumuko dahil maraming taong nagmamahal sa’akin.

Posted Jul 5, 2025, 11:57 AM UTC · locked

71
Loading comments…