Si Daddy

Real Encounters

Since lagi ako nagbabasa dito, it's time na siguro para ikwento ko yung hindi ko makakalimutan.

Context: Bata pa ako nito siguro around 1 or 2yrs old nung umuwi kami sa probinsya namin sa Iloilo kasi namatay ang lolo ko na papa ni mama, lagi rin ako nababati ng mga matatanda kaya lagi ako nagkakasakit. Isang gabi hindi ako makatulog, lagi akong umiiyak non kasi sobrang sakit ng mga paa at kamay ko pero hindi nila alam kung bakit kaya nagpasya silang dalhin ako sa albularyo, pero sa paglabas namin ng pinto habang nakayakap ako sa mama ko, nakita ko si Daddy sa labas, nakaupo siya at nakatingin habang nakangiti, ang hindi ko mawari is bakit umiilaw siya na as in sobrang liwanag niya. Kaya ko hindi to makalimutan kasi hindi naman kasama si Daddy nung umuwi kami sa iloilo, nagpaiwan siya dito sa Laguna noon. Sino o Ano kaya yung nakita ko na yon?

Btw hindi lang yan ang kwento ko nung umuwi kami sa Iloilo nung bata pa ako, marami pang weird at nakakatakot na experience naranasan ko ron. Yun din ang una at huling umuwi ako ron. 23yrs old na ako pero sariwa parin sakin mga ala ala na yon.

Posted Jul 5, 2025, 11:58 AM UTC

1417
Loading comments…