Naiinis ako pag inuutusan ako
Problem/Goal: Gusto ko sana malaman bakit ganito nararamdaman ko kay Mommy. Naiinis ako pag nakikiusap sya sakin or may iuutos
Context: Hindi naman tong malaking issue, kasi sinusunod ko naman at d naman ako sumasagot. Nacucurious lang ako kung baket pag si Mommy mag uutos sakin, irita nararamdaman ko.
Parang a part of me ayokong mafeel nya na ginawa ko ung isang bagay dahil inutos nya, kahit ayon nman talaga ang reality. Ayoko deng napupuri nya ko pag may ginagawa ako. Infact ayokong makita nya kong may ginagawa kahit mabuti naman gagawin ko. Hindi den naman sya mapanigaw at mabunganga. Mas lalo pa kong maiinis pag gagawin ko na, tas saka nya iuutos.. ang nangyayare idedelay ko muna bago ko gawin. kasi ayokong isipin nya na sinunod ko sya or ginawa ko dahil sakanya.
Wala akong ganitong issue kay Dadi, willing ako sumunod, wala akong nararamdamang kahit ano.
early teens palang parang ganito na ata nararamdaman ko, gusto ko lang maalis. Nakokonsensya ako, pero d ko kontrolado feelings ko. Kaya nacucurious ako why ganito nafefeel ko. Baka sakaling pag nalaman ko ay maiba ang approach ng feelings ko haha.
Previous Attempts: Wala. random thoughts lang to.
Posted Jul 5, 2025, 12:00 PM UTC