Ang daling sabihin ng, “Hiwalayan mo na yang asawa mo”

NSFWExperience

Not looking for advice. Just sharing.

I am one of those women na hindi naging successful ang marriage. Sabi nga nung pinsan ng asawa ko, it’s not surprising given na maaga raw kaming nag asawa and obviously pinakasal lang ng parents dahil nabuntis ako.

I genuinely wanted the marriage to work, kahit simula pa lang (and late kong narealize) red flag na yung pinutol nya yung OG wedding rings namin using pliers and laging dismissive sya sa akin, yung constant porn addiction, yung pananakit nya na on his defense and what my mom said, deserve ko kasi masyado akong palaban. Eh, what am I supposed to do, sit by na lang and not call him out? Akala ko rin yung laging may sexual activity kami ay dahil mahal namin ang isa’t isa and he’s so into me. Yun pala, ginagamit nya lang ako. Eventually, he admitted na ibang babae iniisip nya pag kasex ako, and pinipilit nya kong masatisfy ang fantasies nya (na akala ko noon eh duty ko as the wife).

Grabe kasing maging hopeful after ma-pep talk ng matatanda. Mga matatandang nakasurvive ng marriage for a long time na pero puro toxic positivity lang pala.

Sobrang late na lang rin kasi akong napadpad sa Reddit at napunta sa barkadahan ng older women na mas may sense. Sila nagsabi sakin na mali yung husband ko sa mga pinaggagawa nya. Pero ayun too late na kasi umabot na ko sa point na nalaman ko ang spakol adventures nya at paulit ulit nyang dineny until nakita ko ang ebidensya. 6 years na pala akong ginagago di ko alam.

Sa huli, sya pa rin ang bida at ako ang kontra bida. Turns out naging sex addict sya dahil kawawa ang childhood at naabuse ng bading nyang tito and bading na kapitbahay. Na dapat lawakan ko pag intindi, na ako may pagkukulang, na mawowork out namin to kasi nagttherapy naman kami, and so on…

At that point nagbigay na naman ako ng grace. Ng extrang tyaga lol. Nagbasa ng maraming libro pano i-deal ang sarili kong feelings, sumama sa peer support groups online, nagpatest for STDs and so on… pero yung mismong may sala nakampante na naman sa sarili nya. Bumabalik na naman yung patterns at behavior.

Sabi nya, “Di naman na ko naghahanap ng iba, okay na ko.” “Di ko na uulitin yun kasi illegal.” Pero indulging na naman sa mga palabas na puro sex. Eh kahit hindi na sya nakaka spakol (as far as I know), bumabalik naman na yung paghahanap nya ng sexual high. Obviously dyan naman sya nagsimula. Kumbaga sa alcoholic eh tumitikim na naman ng beer na nakalagay lang sa mesa hanggang makakubos na naman ng 100 bote lol.

Wala na talaga syang pag-asa, but I have to stay sa marriage with him. Hanggang emotional and physical detachment and hiwalay na tulugan lang ang kaya kong gawin as of now. Nag iipon pa ko ng pera kasi napakaraming dapat intindihin pag may schoolage kids ka. Di pwedeng mag alsa balutan lang lalo yung school nila malapit sa bahay.

Gets ko na bakit maraming nagtitiis nung naranasan ko na. May sub pa nga for people like me (pero mostly Westerners nandon).

Posted Jul 6, 2025, 7:34 PM UTC

103
Loading comments…