r/WLW_PH•
baklangtwo

Itutuloy ko ba mag-confess?

Advice/Support

So ... There's this girl that I reaaaaally like. Nakasama ko siya sa isang hike. Nung una ko siyang nakita natulala talaga ako, ang ganda niya. Ang angas. Throughout the hike, either nasa likod niya ako or nasa likod namin siya pero hindi magkalapit, may mejo malayong distance. Anyway, natapos yung hike na hindi ko manlang siya nakausap. Super mahiyain kase ako and she's very intimidating, tho ngumingiti naman siya (hindi sakin) pero umuusog talaga bituka ko at naninigas tuhod ko kapag gusto ko siyang kausapin. After that event, hindi na ako nag expect na makikita ko siya anytime soon, like ineexpect ko siguro after a year or more kase hindi ko naman sure kung saan siya nakatira or kung magkakasama ba ulit kami ng same hike ganon. Pero after 2 months, nakita ko ulit siya sa McDo and akala ko wala na yung pagka-crush ko sa kanya pero, GOSH DANG! Mas nagustuhan ko pa nga yata siya nung nakita ko ulit siya. Pero wala parin akong courage para magpakilala or kausapin siya. So, alam ko naman ang account niya sa FB kaya inadd ko siya pero until now hindi pa niya ako ina-accept. Hahaha, then after nun sure na akong hindi ko na ulit siya makikita. Until naghanap ako ng gym kase nagsara yung gym na pinupuntahan ko. Hindi ko kinokonsider yung gym na yun kase mejo pricey at nakaka intimidate yung mga member at coaches. Simple lang din kase ako magdamit pag nag gym, tshirt at shorts/jogging pants lang, pero girls dun full gym clothes. Kaya last yun na pinuntahan kong gym. (This was less than a month nung nakita ko siya sa McDo) And man! Nakita ko siya dun sa gym na yun. Obviously dun ako nagjoin. Hahaha. So eto na nga, balak ko sanang sabihin sa kanya na gusto ko siya. Hindi niya ako kilala at ako naman kilala ko lang siya by face and name. So ang balak ko, bibigyan ko siya ng crocheted keychain flower then may naka sukbit na Spotify code sa keychain, song that reflects my feelings. Indirect confession kumbaga. Balak ko sanang iabot lang sa kanya then alis na. Kaso since nasa same gym kami baka maging awkward at baka mailang siya. Ayaw ko naman nun. I understand na safe place ang gym para sa karamihan, almost as if safe haven, an escape. Kase ganun sakin. At ayaw kong makaramdam siya ng creepiness or uneasiness sa place na yun. And one thing, I'm 80% sure she's straight. HAHAHAHA. Oh boy. Itutuloy ko pa ba? Nabili ko nga yung mga flower keychain. 😅

Posted Jul 8, 2025, 4:43 PM UTC

1321
Loading comments…