My bf wants to buy a motorcycle
Problem/Goal: My (22F) bf (23M) wants to buy a 228k motorcycle (Vulcan). He wants to use his mom’s credit card to loan the 228k.
Context: For context, we are both university students. Incoming 4th year na ako and second year standing siya, he’s taking up an engineering course. Ako naman graduating next year and I have been working since freshman year.
His mom made him the supplementary card holder of her cc and napataas namin yung limit to 450k, dati pa talaga niya gusto bumili ng motor kaso dati he wanted an ADV hanggang sa naging Vulcan na kasi may nakita siyang nagbebenta online secondhand for 228k.
Ngayon, four years na siyang nag aaral and madalas siyang bumabagsak since hindi siya nakakapasok sa school dahil our commute takes an hour and for him almost 1hr and 30 minutes. He’s saying na mas makakatulong sa kanya yung motor and it’s his dream motorcycle. Kaso ang tanging work niya lang ngayon is yung work na inoutsource ko sa kanya which is 7k per month and kailangan ko rin mag extra shift para mahatian siya sa monthly nung magiging loan if ever which is around 9k. I only earn 12-15k per month. 12k ang expenses ko per month since ako na rin nagbibigay ng baon ng kapatid kong SHS.
Ako nagpapaaral sa sarili ko and nakikiupa ako sa bahay ng lola niya for 2k. I owe him a great deal since pinayagan ako ng family niya umupa sa kanila and mom niya nagpapakain samin. Ngayon nagkakainitan sila ng mom niya dahil bibilhan siya ng mom niya ng motor na lang and mag enroll siya kaso ayaw niya dahil hindi niya gusto yung scooter lang.
Ngayon July 21 pasukan namin and hindi parin siya nag eenroll. I feel guilty dahil gusto ko naman talaga siya kumuha ng motor kaso parang di kaya ng capacity ko, he’s saying na sabi ko kukuha kami and then sabi ko wait since I bought a new phone and another gadget but I bought it naman with my money. Siguro it’s my fault for giving him false hopes kaso nakakasad kasi kapag sinasabi ko wag muna kumuha tapos nawawalan siya bigla ng gana. Magkalapit lang naman school namin mas malayo lang yung sa kanya ng isang sakay, sakin kasi pag baba ng LRT ayun na and him he needs to ride another jeepney (another 15 minutes or so).
He’s very sweet naman and very caring, maayos din sa bahay tumutulong but ayun nga laging bumabagsak sa school and parang wala talaga siyang motivation pumasok. I am urging him to shift courses since mahirap ang CE or even just palit school but ayaw niya. Meron na daw siyang foundation dun so ayaw niyang magpalit school or course.
He doesn’t have a license yet, kumuha siya ng lisensya kaso di siya pumasa dahil nakalimutan niya pano mag-drive ng manual na car and hindi rin siya gaano marunong magdrive ng motor.
Previous Attempts: Kinausap ko siya kagabi na mas okay if maliit na motor muna and then mag enroll siya dahil sayang yung panahon, kaso he says na wala na siyang gana sa lahat ng bagay kahit school or pagmomotor dahil di naman daw niya makukuha yung gusto niya and matagal naman na niyang gusto magka-motor, first year palang.
Paano ko ba mapapa-realize sa kaniya na mali yung priorities niya?
Posted Jul 9, 2025, 2:21 AM UTC