OA lang ba ako? Kung nag-open up ako sa bf ko pero straight to the point yung respond nya?

So I used to live at my friend's place with her fam kasi she insisted lalo na si ate nya. They wanted to help me na may matutuluyan since I don't have a place to go. I'm independent and alone na talaga so I used to work at a bpo industry pero hassle sya for me sa tulog and commute. Last Nov ako nagresign and during that time it was first week of May naubos savings ko wala na akong pangrent. Don't get me wrong, I am studying and I'm trying my best talaga mag apply for work from home setting even sa pagapply locally. Si ate ng friend ko nagoffer ng WFH pero hihintayin nalang yung hiring. May work set up na din sana kami non. Bandang april, nagkaroon kami ng away ng bf ng friend ko. Nairita kasi ako during our outing. basically that guy may tinapat na liyempo sa harap namin ni bf. kumuha kami ng inaabot, mind you yung table na sa baba non ibababa nalang. sabi ba naman "nangangawit nako dito o" i was on my period that time sabi ko "Edi ilapag mo jan". Napuno ako sa kanya. He is the kind of friend namin na madalas magreklamo and mangguilt trip. like kunwari na sa kotse kami, he would be like "di na ko sasama" or some cases, may gagawin sya "—ok lang?" basta guilt tripping. napuno ako. after that nagwalk out sya tapos bumalik sumigaw "ptangnamo" shookt ako girl nagsagutan kami. nagsimula na guilttripping nya. "nanay ko nga di ako sinisigawan" sabi ko "papa ko nga di ako minumura" then palaban sya sabihin nya "babae ka kasi e" ako di makapagpigil "kalalaki mong tao mareklamo ka? pati pag abot gusto mo inaalalayan ka??"

Anyway, pinagbati kami that time pero I knew it wasn't over. kunwari sya ngumiti pero I know those type of people. Alam kong plastic lang sya.

few days later since magkaroom kami ng friend ko naririnig ko sya saying things about me. I forgot everything na kasi for my peace di ko na inalala. Pero one thing I will never forget, yung magkakasama sila ng kaibigan namin na mga lalaki even yung bf ko kasi sila talaga originally magkakaibigan e though di ko sila nakilala sa bf ko. Naging kaibigan ko din sila kahit di kami ng bf ko dati. anyway, gumagawa sya ng kwento. Sinisiraan ako like di daw ako gumagawa ng chores. Pag andon daw sya nakikita nya feel at home daw ako. Tapos sinasabi nya na ayaw daw sakin ng kaibigan ko and all. Tapos dapat daw irespeto ko daw sya. he's 2 years younger than me btw. Natrauma ako lagi ko naririnig mga ganon to the point na everytime na magkacall sila sa Cr ako tumatambay minsan umiiyak magisa. Parang bumalik trauma ko dati sa kung saan ako lumaki. Yung minomonitor ka and puro utang na loob. For chores, lagi ako nagluluto para sakin and kaibigan ko even sa fam minsan. Ako din kasi yung type na ayaw ko may nanonood so everytime na maghuhugas ako ng plato sa umaga at gabi na walang nakatingin. ever since non I try maghugas din na may nakatingin. Anyway. yung bf ng friend ko ayaw talaga ng family nya sa kanya. Kasi nanggaling na mismo sa ate nya na bad influence sya. ever since dumating daw sya yung friend ko madaling araw na umuuwi okaya late kahit may work dapat to the point na naririnig ko sila nagsasagutan na dati hindi naman daw sya ganon. Then pagpapasok sa bahay daretsyo yung bf sa kwarto ng friend ko hindi naghihintay sa labas or nagmamano. masyadong mahaba yung kwento, basta bad influence yung bf nya. mataas din ang ego.

fast forward di ko kinaya hanggang sa nag offer bf ko na sakanila nako magstay. Even his family insisted pati yung parents.

anyway. kagabi ko lang napansin na yung ate ng friend ko inunfriend ako. knowing their fam lahat big deal kasi maissue din sila sa kamag anak like away ganun.

naopen up ko sa bf ko. sabi naman nya ganon talaga lalo na nakitira lang daw ako. naging pabigat ako. na sa kanila wala akong kwenta.

Inanxiety ako. ngayon bumabalik yung trauma ko na parang ayaw ko na magtiwala and all.

Posted Jul 9, 2025, 4:08 AM UTC

12
Loading comments…