Pwede ba sa amin nakapangalan ang amilyar pero hindi ang titulo?

Real Estate

May binili po na lupa ang lola ko nuong unang panahon. Pinaman nya sa father ko at ako po ang nag iisang anak ng Papa ko. Both my Lola and papa passed away. Ngayon, gusto ko na po asikasuhin ang pagpapalipat ng titulo sa pangalan ko. When I asked my tita (panganay na kapatid ni papa) ang sabi nya, sa pagkaka-alam nya ay hindi pa nakapangalan sa lola ko yung titulo. Nakamother title daw po kasi yon at portion lang ng lupa ang nabili ni lola. Pero we have been paying the amilyar po every year. At sa amilyar, ang nakalagay na name of declared owner ay pangalan na ni Lola. Ang tanong ko po ay pwede po ba na nakapangalan na sa lola ko ang amilyar kahit hindi pa po nakapangaln sa kanya ang titulo? Baka po kasi mali lang ng pagkaka-alala ang tita ko at baka meron na talagang titulo yung lupa na namisplace lang (umaasa pa rin ako dahil mas mahirap kung nakamother title pa sya 😭)

Posted Jul 9, 2025, 4:16 AM UTC

08
Loading comments…