Gusto ko lang sabihin sa Batang Ako
Para sa batang "Ako". Wag ka mag bf after college at wag ka maniwala sa First Bf will be the last. Maging wise ka sa pag pili ng mga kaibigan at piliin mo mag abroad para sa career growth. Wag ka mag asawa hanggat hindi Ka financially secured at siguraduhin mong magkaroon ka ng magandang mindset para ma handle mo tantrums ng parents mo. Make sure kahit anong mangyari, kahit pinasama nila loob mo, magbibigay ka padin ng respeto at babalikan mo sila. Tao lang din sila at walang perfect na magulang. Ibigay mo yung kaya mo pero wag mo uubusin ang sarili mo para sa iba. Wag mo din turuan ang lalake paano ka dapat mahalin dahil kung totoong mahal ka, gagawa at gagawa siya ng paraan para mag meet kayo halfway at maging mabuting provider kayo para sa isa't-isa. Huwag kadin matakot mag abroad habang single ka dahil mas fulfilling na nagawa mo lahat ng gusto mo bago ka nag asawa. Huwag na huwag kadin papayag na i-gaslight ka ng lalake lalo na if maraming sikreto.
Sa ngayon, ito lang masasabi ko sayo. Kung may time travel babalikan kita at sasabihin ko na stay Single. ๐๐
Posted Jul 9, 2025, 4:16 AM UTC